
Arci Muñoz begins journey to become future pilot
Malaki ang paniniwala ni Arci Muñoz na maaabot niya ang pangarap na maging isang piloto.
Deklara ng aktres: “Hindi pa huli ang lahat para maabot ang pangarap.”
Sa isang Instagram post noong July 16, 2022, ibinahagi ni Arci ang isang video clip sa unang araw ng kanyang “pilot journey.”
Makikitang sumasailalim siya sa isang simulation training sa aktuwal na eroplano kasama ang kanyang pilot instructor.
Caption ng 33-year-old actress: “Everyone has oceans to fly if they have the heart to do it. Is it reckless? Maybe. But what do dreams know of boundaries? – Amelia Earhart.”
Si Amelia Earhart ay ang legendary American aviation pioneer at kauna-unahang babaeng nakapagpalipad ng eroplano nang solo.
Kaya diin pa ni Arci sa kanyang caption: “Be a woman who [rises] above the ground breaking norms. [Reach] for [your dreams] and be whoever you wanna be [because the] sky is [the] limit!!
“Feeling enthusiastic about my [pilot] journey!”
Nagpasalamat din si Arci sa aviation school na Top Flight Academy.
ARCI AS RESERVIST
Bago pa man pasukin ni Arci ang pagiging piloto ay nauna na siyang pumasok sa Philippine Air Force bilang reservist.
Sa ngayon ay isa na siyang ganap na sarhento para sa Philippine Air Force Reserve (PAFR) Command matapos niyang makumpleto ang Basic Citizen Military Training sa Clark Air Base Pampanga noong Oktubre 2021.
Read: Arci Munoz shrugs off “walang ginagawa ang reservist” comment of bashers
#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}
a {
color : #D60248;
}
News Philippines today at https://philtoday.info/