Angello Perez dedicates second college degree to late actor and brother AJ Perez

Hindi pa rin matatawaran ang pagmamahal at pagpapahalaga ni Angello Perez sa namayapang kapatid at dating matinee idol na si AJ Perez.

Lahat kasi ng kanyang tagumpay sa buhay noon at ngayon ay iniaalay niya sa kanyang Kuya AJ.

Nitong nakaraang Martes, August 30, 2022, ibinahagi ni Angello sa Instagram ang kanyang larawan na nakatoga sa harap ng puntod ng kapatid.

Dala rin niya ang kanyang dalawang medalya.

Sabi niya sa caption: “Always dedicating my successes to you [two hearts emojis]”

View this post on Instagram

A post shared by Angello Perez (@gelloperez)

Base sa kanyang Instagram Story, sinabi ni Angello na kaka-graduate lang niya ng Bachelor of Science in Communications Technology Management mula sa Ateneo de Manila University.

Ito ang ikalawang college degree ni Angello.

Noong 2020, natapos niya ang kanyang unang kursong Bachelor of Science in Psychology, sa Ateneo rin, na kanya ring inalay sa yumaong kuya.

Noong April 17, 2021, sa okasyon ng ika-sampung anibersaryo ng kamatayan ni AJ, may madamdaming post din si Angelle para sa kapatid.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Angello, sampung taon na niyang palaging binalik-balikan ang masasayang araw na pinagsamahan nila.

At gagawin daw niya ito sa buong buhay niya.

Buong caption ni Angello: “A decade of experiencing life without my favorite person. I’ve spent the last 10 years reminiscing on our best times together and will always be thankful for all those moments. I will always continue to spend the rest of my life having the thought of you and our best memories with me [heart emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by Angello Perez (@gelloperez)

Si AJ ay sumakabilang buhay noong April 17, 2011 sa edad na 18 lamang.

Pabalik na ng Maynila si AJ, kasama ang kanyang ama at iba pa, nang bumangga ang sinasakyan nilang van sa isang pampasaherong bus at truck sa Moncada, Tarlac.

Dinala si AJ sa isang ospital sa kalapit na bayan ng Moncada, ang Paniqui, Tarlac, kung saan siya ay idineklarang dead on arrival ng 12:20 a.m.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Galing ang grupo nila sa Dagupan, Pangasinan kung saan sumabak sila sa isang show para sa pagdiriwang ng Bangus Festival.

Read: Star Magic talent AJ Perez, 18, is dead

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post ‘Neither robot nor animal’: Scientists develop the ‘Xenobots,’ 1st robots constructed completely from LIVING CELLS (VIDEO)
Next post Draw-some! Dutch quadri-dextrous artist creates four stunning photo-like portraits using her hands and feet at the same time