Ang kuwento ni “Chris” at ng daang-daang crayons inipon niya nitong pandemya

Naging laman ng social media ang isang person with disability (PWD) na si “Chris” ng Balete, Aklan.

Dumalaw kasi ito sa Calizo Elementary School at Calizo National High School na may bitbit na sako.

Naglalaman ang sako ng mga box of crayons at binigyan niya ng tig-80 boxes ang dalawang paaralan.

Ang mas lalo pang nakabibilib, si Chris, 32, ay may kondisyong Autism Spectrum Disorder (ASD), ngunit high functioning at may angking talino.

Sa post ng gurong si Juliet Justo ng Calizo Elementary School noong August 24, 2022, namangha at napaluha sila ng kanyang mga kapwa guro sa kind gesture ni Chris.

Marahil ay gayundin ang naramdaman ng libu-libong netizens na nag-react at nag-share ng viral post nito ni Ma’am Juliet.

Ayon naman kay Ma’am Maria Row Birol, hindi nila inaasahan ang blessing na hatid ni Chris.

chris francisco pwd crayons

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Dumating si “Chris” na may bitbit na sako na naglalaman pala ng mga binili niyang crayos para i-donate sa school. Si Chris ay isang person with special needs.

Read: Meet Lolo Delfin, retired Pisay teacher na nagtuturo sa kalsada: “Teachers never grow old.”

PWD NA MAY MABUTING KALOOBAN

Ang kuwento ni Chris ay naitampok sa Facebook accounts ng iba’t ibang media, katulad ng local radio stations ng Kalibo.

Ayon sa mga taga-Balete, nanghihingi si Chris ng pa-lima-limang piso sa mga kapitbahay.

Lingid sa kaalaman ng lahat, iniipon niya ang mga ito ng pambili ng crayons simula pa nung mag-umpisa ang COVID-19 pandemic upang ipamahagi sa pagsisimula ng face-to-face classes.

Si Rechel Delgado, ang may-ari ng tindahan na palagiang binibilhan ni Chris ng mga crayons sa Poblacion, ay nagsabing mahigit dalawang taon nang pabalik-balik ang binata sa kanya.

Nung una, nagtataka siya kung saan dinadala ang mga binibili nito, pero maging siya ay napabilib nang sa wakas ay maiabot na nito ang matagal na pinag-ipunang mga gamit sa pagbubukas ng klase ngayong taon.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

chris francisco pwd crayons

Sa panayam n Ma’am Juliet sa RMN DYKR Kalibo, ibinunyag nitong madalas magpunta sa kanilang paaralan si Chris at nagbabasa ng libro sa library.

Aniya, nakitaan niya si Chris ng talino dahil alam nito ang tungkol sa history, bibliya, at marami pa.

Good job, Chris!

Bahagi pa ng post ni Ma’am Juliet para kay Chris, “May God bless you always with good health. You are always welcome to come back to school.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post US sanctions force Instagram to remove posts in support of Iran
Next post Germany Warns: There Will Be Draconian Energy Regulations