Allen Dizon on his passion other than acting: Off-roading and car restoration

Kapag hindi busy sa kanyang showbiz commitments, ano nga ba ang ginagawa ng international award-winning actor na si Allen Dizon?

“Ako kasi every time, nung hindi pa pandemic, lagi akong nasa nature ako, nag-o-off-road ako, nag-o-overlanding ako, nagka-camping kami with my family. So yun yung pinakaano ko, pinaka-reset ko. So punta kami sa bundok,” sagot ni Allen.

Off-roading at overlanding ang tawag sa pagda-drive sa mga lugar na bihirang marating ng mga regular na sasakyan. Kinakailangan ng mga high-performance, 4×4 vehicles sa mga ganitong activity.

“Madalas kong ginagawa as in once a week, once a month, o twice a month ginagawa ko nagka-camping kami with the kids. Family bonding ‘tapos nasa lake kami, luluto kami, nasa tent kami, natutulog kami sa tent, punta kami sa malamig na lugar—Baguio, Benguet. So yun ang, yun yung ano ko, relaxation ko.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Allen sa shooting ng pelikulang Ligalig sa Pulilan, Bulacan, noong Linggo, August 21, 2022.

Ayon pa kay Allen, wala siyang ibang kinahihiligan o bisyo kundi ang kanyang mga kotse at off-roading. Nagagamit din niya ang skill niya sa off-roading sa pagtulong sa mga tao.

“Wala akong bisyo. Bisyo, parang, bisyo ko siguro yung parang sa mga kotse. Oo mga ganun kasi mahal ko yung kalikasan e. Kaya every time na… minsan may mga ano kami… tawag dito? ‘Pag may mga nasalanta, ‘pag may bagyo, may group kami na off-roaders na pupunta kami doon mamimigay kami mga relief goods.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Puro celebrities ba sila na off-roaders na tumutulong?

“Celebrity, kami lang ni Albert [Martinez] ang celebrity doon. Pero karamihan mga business man. Lahat kami mga off-roaders.”

Walang masyadong nakakaalam na may ganito palang mga aktibidad sina Allen at Albert.

“Meron oo, marami kaming ganun. Tulong, pag-a-unwind magkakasama kami palagi. Yung huli yung Abra. Pumunta kami ng Abra, namigay kami ng mga tulong dun sa mga nasalanta ng lindol,” lahad ni Allen.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

FRIENDSHIP WITH ALBERT

Magkaibigan pala sila ni Albert. Paano ba nagsimula ang kanilang pagiging magkaibigan?

“That was year 2010. Nagkasama kami sa ABS soap opera. Dun nag-start.

“Mahilig kami sa kotse, lahat kami [ng mga kaibigan ko] mga muscle car, classic cars, nagkasundo kami restoration. So dun every time magkakasama kami lagi.

“‘Tapos nung nabuntis wife ko, yun yung bunso, inaanak niya. So yung connection namin dire-diretso,” kuwento ni Allen.

Nagamit na nga nila ni Albert ang hilig nila sa off-roading sa pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong.

“Oo. Naging ano na. Nag-camping kami, next week may camping kami, may off-road kami. So, yun at least may mga natutulungan din. ‘Tapos sa mga liblib na lugar hindi makapunta yung mga ordinaryong mga sasakyan, pinupuntahan namin para makatulong kami.”

Cash or in kind ba ang binibigay nilang tulong?

“Minsan meron kaming taga-ano… Kailangan ng tubig, kailangan nila ng school supplies, kailangan nila ng pagkain. So, nagse-share kaming lahat. Lahat kami magse-share ng kung ano-ano, may magpapadala ng mga tubig, magpapadala ng pagkain, canned goods. So, iniipon namin ‘tapos isang bagsakan bibigay namin.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kabila ng pagiging magkaibigan nila ni Albert, hindi pa raw sila nakakagawa ng pelikula na magkasama sila.

“Puro ABS kami. Sabi nga namin, ‘Pare gawa na nga tayo ng pelikula.’ Sabi ko, ‘Meron akong kausap sa pelikula pero parang gusto ko series.’

“Pero parang hindi pa namin napag-usapan kung paano, e. Kasi unang-una kailangan mo ng producer, kailangan mo ng… siguro darating yung time na gagawa kami talaga about off-roading.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, di ba, about off-roading, overlanding. Siguro magkakaroon ng… sana magkaroon ng project about overlanding and camping.

“Pero at least, kukumpleto kami ng rigs, mga cars, equipment, lahat. Kailangan lang ng magandang istorya at direktor.”

ALLEN’S other passion

Ang kaibigan niyang si Albert ay mahilig mag-collect ng sasakyan, siya rin ba ay nagko-collect din?

“Ako, collect ako mga muscle cars. Madami na. Actually, marami na akong nabenta kasi naiipon. Marami na like Mustang, Camaro, Chevy, mga ano yun 1965 hanggang ’70s. Hanggang dun lang yung era ng mga muscle cars. So hanggang dun lang yung mga kinokolekta namin.

“Kumbaga meron ding mga ganun like mga sports car pero kami more on restoration talaga. Ngayon meron akong 1967 Mustang GT 500. Yung ‘Eleanor.’ Gamit ni Nicolas Cage [sa movie na Gone in 60 Seconds]. ‘Tapos meron akong GTR R35, yung sports car. Yun ang mga favorite ko ngayon na ginagamit.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa acting, maituturing na mga kotse ang other passion ni Allen. Mula sa pagkokolekta hanggang sa pagre-restore. Pero nagko-compete din ba siya sa mga karera? International competitions?

“Oo naman. Nag-ano ako, drag racer talaga ako. Ilang beses akong naging driver of the year and nakailang championships na rin ako. Oo, Pilipinas [lang]. Wala pa [international]. Puro lang dito sa Clark, Batangas.

“Dati Macapagal pero nung after year 2015 nag-stop na ako mag-ano, mag-race. Wala lang, nagsawa na rin kaya puro restoration na lang para at least…

“Mas magastos pero alam mo yung passion mo na paano mo buuin yung isang kotse na bulok, paano mo makumpleto yung mga parts, paano mo mapaandar nang maayos, paano mo yung body works niya, yung paint niya. Nagtayo ako ng shop talaga for restoration.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa hilig niyang ito sa restoration, may sarili na nga raw siyang shop para sa car restoration.

“Pampanga. Sa mga kotse ko may sarili na akong shop para dun lahat ginagawa.”

Nakikita na nga raw ni Allen na sa pagre-restore ng mga lumang kotse siya babagsak kapag nagretiro na siya sa showbiz.

“Dito pa rin, dito pa rin. Kotse pa rin, kotse pa rin. Tapos off-roading pa rin, overlanding pa rin. Kumbaga ginagawa ko ‘to for like 15 years na yata, 15 years na ako nagre-restore,” pagtatapos ni Allen.

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Davos Group Pushes Vaccine Passports to Enforce Global Carbon Taxes
Next post Amazon Echo’s Privacy Issues Go Way Beyond Voice Recordings