Agriculture graduate Jie Anne Villacrusis: may diploma na, may lupang sakahan pa

Nakamulatan na ni Jie Anne Villacrusis, 24, ng Barangay Alcate, Victoria, Oriental Mindoro, ang pagsasaka.

Simula noong seven years old siya, katulong na siya ng kanyang ama sa bukid.

Hindi kanila ang lupang kanilang sinasaka noon. Wala silang sariling lupa.

Para maka-survive ang kanyang pamilya sa hirap ng buhay, nagtatrabaho sila sa sakahan ng iba.

Jie Anne Villacrusis when still a student, at the farm

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi ni Jie sa artikulong inilathala ng Department of Agrarian Reform-Oriental Mindoro noong August 25, 2022, “Naranasan pa namin dati na sa bundok ay mangunguha kami ng kamoteng kahoy, pambenta para lang may pambili ng bigas.

“Siyempre si Papa, farmer lang. Konti lang ang kinikita, kasi nangungupahan lang kami sa bukid ng ibang tao.

“Anim po kami na magkakapatid. Yung isang tinapay at dalawang noodles ay paghahatian pa namin na magkakapatid.”

BUHAY ISANG KAHIG, ISANG TUKA

Bunso si Jie sa kanilang magkakapatid. Sa kabutihang palad, siya at ang pang-apat sa kanilang magkakapatid na isa ring babae ay nakatuntong sa paaralan.

Ang apat niyang kapatid na lalaki ay kinailangang tumulong sa kanilang ama sa bukid, at hindi na tinapos ang pag-aaral.

Gayunpaman, napakahirap aniya ang mag-aral kapag dukha.

“Sobrang hirap po talaga. Parang isang kahig, isang tuka. Naranasan pa namin na wala talagang kain na kanin, naranasan naming maglaga ng saging, yun lang at saka noodles.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

At kahit nag-aaral siya, tumutulong pa rin siya sa mga gawaing bukid.

“Kasa-kasama kami ni Papa. Minsan ay nagpipilapil. Naranasan ko ring magtanim, sumakay sa handtractor kahit hindi pa kaya ng katawan.

“Maliit pa ako nun, pero kaming magkakapatid ay sanay sa bukid. Sobrang hirap po, pag pahina-hina ka, walang mangyayari.

“Sobrang hirap… Kailangan mong tiisin at wala naman talagang ibang pagkukunan.”

NAGTIIS NG GUTOM, KAPOS SA MGA GAMIT SA KOLEHIYO

Pagbabahagi pa ni Jie, mas kinapos sila sa budget nang magkolehiyo na siya.

Kumuha siya ng Bachelor of Science in Agriculture Major in Crop Science sa Mindoro State University.

“Nung nag-aaral po ako, sobrang hirap kasi nagpang-abot kami ni Ate sa college. E, magkano ang tuition nun? Tapos si Papa ay konti lang naman kinikita.

“Naranasan ko na minsan may babayaran kami na mga papel sa school. E, di iyak ako nun nang iyak kay Mama kasi wala kaming pambayad.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Pag ganun, hihintayin pa namin na magkaroon ng extra si Papa o kaya ay makapanghiram si Mama sa ibang tao para may pambayad kami.”

Bukod doon, sa maraming pagkakataon ay nagtiis din siya ng gutom.

“Naranasan ko rin na papasok ako na agahan lang ang kain ko, ‘tapos pag tanghali, wala.

“Pag nakauwi na lang uli ako sa bahay saka ako kakain kasi walang pambaon. Ang baon ko nun, eksaktong pamasahe lang.”

Nagpatuloy aniya ang ganitong struggles niya bago siya naka-graduate.

“Pagdating ko ng third year, fourth year college, kailangan namin ng computer kasi nagte-thesis na. E, wala akong pambili.

“Kahit magwala ako dun sa amin, kahit mag-iiyak ako, wala talagang pambili. Tiis-tiis. Nanghihiram lang ako sa kaklase ko nang kung anu-ano.

“Awa ng Diyos, nakapag-thesis, nakapag-defense, nanghiram ng computer, naka-graduate ako kahit wala ako ng mga ganung bagay.”

Naka-graduate siya noong 2019.

DIPLOMA AT SARILING LUPA

Ayon kay Jie, wala siyang pagsidlan ng tuwa nang maka-graduate siya sa college.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Ay, sobrang saya ko po nun! Talagang ini-offer ko yun kina Mama at Papa.”

Ang kanyang unang goal ay magtrabaho at mabilhan ng sariling lupa ang kanyang ama.

“Sabi ko nun, pangarap ko talaga na balang araw ay magkaroon kami ng sariling lupa para hindi na kami nangungupahan sa iba para lang magbukid.”

Isa namang magandang pangyayari ang dumating sa kanyang buhay.

Sa bisa ng Executive Order No. 75, series of 2019, at ng DAR Administrative Order No.03, Series of 2020, bilang isang qualified agriculture graduate ay napagkalooban siya ng sariling lupang sasakahin.

Jie Anne Villacrusis at the farm

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

May sukat ito na 8,900 square meters, at agad nilang pinagyaman.

Ani Jie sa biyayang natanggap, “Sobra-sobra-sobra-sobrang thank you!

“Parang walang hanggang pasasalamat po ang gusto kong sabihin sa government sa programang ibinigay na ito sa mga graduates ng agriculture, sa mga anak ng magsasaka.

“Kasi kung di dahil po sa inyo, siguro ay hindi matutupad ang pangarap ko at pangarap nina Papa at Mama, pangarap po namin.”

Noong January 17 ay natanggap na ni Jie ang titulo ng lupang nakapangalan sa kanya.

Jie Anne Villacrusis holding the land title

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong nasa kanya na ang titulo ng lupa, ipinangako niyang lalo itong pagyayamanin, at tutuparin ang kanyang mga responsibilidad bilang beneficiary ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).

“Siyempre mas-motivated ako ngayon sa pag-aasikaso sa lupa na ibinigay sa amin. Mapa-practice ko rin lahat ng mga natutunan sa school.”

Nangako rin si Jie na tutulong sa mga magsasaka sa kanilang lugar. Sa ngayon ay aktibong member siya ng Muravilla ARB and Irrigators Organization (MARBIO).

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post The Great Collapse is underway: Navy ready to boot sailors who refuse jab; federal workers, soldiers file class-action suit against Biden admin, supply lines teetering on the brink
Next post Google-connected cameras show images inside strangers’ homes