30 inmates, nagtapos ng elementary at junior high school sa Baguio City Jail

Kahit na nasa piitan, nakapagtapos sa elementarya at junior high school ang 30 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa Baguio City Jail Male Dormitory (BCJMD).

Naging posible ito dahil sa Alternative Learning System (ALS) ng Department of Education, ulat ng Philippine News Agency noong August 27, 2022.

Ang inmates ay tinuruan ng grupo ng volunteers, jail personnel na may background sa education, at isang inmate na professor.

Ang pagtuturo sa mga PDLs ay bahagi ng humane safekeeping program ng Bureau of Jail Management and Penology, ani BCJMD Jail Superintendent Mary Ann Tresmanio.

“We want that if they have the chance to be released from jail, they will be able to continue with their education and get a job because that is one way of avoiding that they commit a crime,” ani Tresmanio.

Read also:

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“MAHALAGA YUNG MAG-ARAL”

Ang isa sa mga nagtapos ay isang 57-year-old inmate, ang siyang pinakamatanda sa mga graduates.

Pangarap niyang maging security guard.

Maaga raw siyang natigil sa pag-aaral, dahil naglayas siya at nagtrabaho bilang minero sa Baguio City.

Umabot lamang siya ng Grade 2 noon.

“Dahil sa barkada kaya maaga akong lumayas ng probinsiya at nagpunta sa Baguio,” kuwento niya.

“Sa totoo lang, teacher ang mother ko. Lima kaming magkakapatid.

“Lumayas ako kaya hindi ako nakapag-aral.”

Pero sa pamamagitan ng ALS, elementary graduate na siya ngayon kahit na nasa loob siya ng piitan.

Pagmamalaki ni Manong (hindi niya tunay na pangalan), “Puwede na akong tumakbo na barangay official, marunong na akong magbasa, magsulat, at magpirma.”

Apat ang anak ni Manong at plano niyang makapagtapos ng senior high school kahit nasa kulungan.

Sa kabila ng kanyang edad, hind siya napanghinaan ng loob na ipagpatuloy ang pag-aaral.

Aniya, “Mahalaga yung mag-aral kasi ang pagsisisi nasa huli. At kapag matanda na kayo, mahihiya na kayong mag aral.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang pag-aaral, iyon ang pamana na hindi makukuha ng iba kasi magagamit mo iyon para sa sarili mo, hindi mabibili ng iba…

“Hindi matutunaw tulad ng ginto, dala-dala mo hanggang sa pagtanda. ‘Pag hahanap ng trabaho, kahit saan ka pumunta, dala mo iyon.”

Ginanap ang commencement exercises ng 30 inmates sa quadrangle ng BCJMD noong August 25, 2022.

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Killing old people across the world and calling it ‘Covid’ – a daughter describes an example in Malaysia
Next post Rentable Facial Recognition Robots That Can Detect Emotion Coming To A Conference Near You