15-year-old YouTuber builds her family’s house worth PHP1.2M

Ipinost kamakailan ng isang ina ang accomplishment ng kanyang anak sa edad na 15 anyos.

Nakapagpatayo lang naman ang Grade 9 student ng family house na milyon ang halaga.

Proud itong ipinost ni Rosanne Sabas Pugal, 42, sa Home Buddies, ang Facebook community for home enthusiasts.

Simula ng caption ni Rosanne (published as is): “My 15 year old daughter po ang nagpatayo ng bahay namin di kalakihan 36 sqm lot area 2 storey plus roofdeck, 4 bedrooms and 2 CR and bath.”

Paano napondohan ng teenager ang pagpapatayo ng kanilang bahay?

Ayon sa post ni Rosanne, naging content creator kasi sa YouTube ang kanyang anak.

“Nagsimula gumawa ng content August of 2020, nakaipon at sya na rin ang sumoporta sa lahat ng pangangailangan ng pamilya noong panahon ng pandemya.”

Hindi raw nila sukat akalain na ang mga simpleng pinagkakaabalahan ng kanilang anak ay malaki ang maitutulong sa mga gastusin ng pamilya noong kasagsagan ng pandemya.

Continue reading below ↓

Bukod sa YouTube, nagtitinda rin online ang kanyang anak.

Siya si Love Marie Sabas Pugal, na isa ring honor student.

home

HOW A 15-YEAR-OLD EARNED MONEY

Via direct messaging, nakipag-ugnayan kamakailan ang Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) kay Rosanne.

Ayon sa kanya, inabot ng tinatayang PHP1.2 milyon ang pagpapagawa ng kanilang bahay.

Continue reading below ↓

Anong content ang ginagawa ni Love Marie?

Tungkol daw sa video game na Gacha Life o di kaya ay mga short video animations na nagtatampok ng anime-styled characters.

Mayroon ding K-pop merchandise si Love Marie sa kanyang online selling.

Ibinahagi ni Rosanne na nang nawalan sila ng trabaho ng kanyang asawa noong March 2020, nagtinda sila ng street food, katulad ng kwek-kwek at corndog.

Nag-alok ang kanyang anak na sasagutin na muna niya ang groceries pati na rin ang bayad sa kuryente at tubig.

Sabi ni Rosanne, “Yung mga kinita niya po nakabangko lang po. Binabawasan lang po ng pang-grocery, kuryente, at panggastos po sa araw-araw.”

Hindi raw maluho ang kanyang anak kaya nakakaipon ito.

Nakatutulong din daw si Love Marie sa kanyang mga kapatid, at maging ang mga gamit na kailangan sa bahay ay siya na rin ang bumili.

Pagtatapos ng message ni Rosanne sa FB post, “This is not to brag, sobrang proud lang po sa na achieve ng anak namin na sa edad na 14 lang kasi sya nung nagsimula ang construction nung January, at ngayon at the age of 15 grade 9 student may sarili ng bahay.”

Continue reading below ↓

#lifestyle-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

a {
color : #D60248;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Here Are the Names and Faces of WEF’s Young Global Leaders in Australia and New Zealand
Next post Report: FBI Spied On 3.3 Million Americans Without A Warrant