
Zsa Zsa Padilla devastated after official Facebook fan page was hacked
Dismayado ang Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla dahil damay siya sa mga biktima ng hacking sa Facebook.
Kahapon, November 21, 2022, maraming netizens ang nag-post sa Facebook tungkol sa kanilang na-hack na accounts.
Karamihan ay nagbabala sa kanilang Facebook friends na baka sila ay utangan kaya huwag sila basta-basta maniniwala.
Isa sa umaray dahil sa modus ng hacking na ito ay si Zsa Zsa.
Sa kanyang Instagram kinagabihan, naglabas ng hinaing ang singer-actress tungkol sa pagka-hack ng kanyang official Facebook fan page.
Pati raw ang page ng private farmhouse niyang Casa Esperanza.
Sabi ng ASAP Natin ‘To mainstay, “Devastating naman. Na-hack yung official fan page ko sa FB which my friend and admin, Cathy built for many years.
“Damay pa ang page ng Casa Esperanza and worst of all, yung personal page niya kasama lahat ng appointments niya for photography until January.
“There’s no way she can contact her clients now. Why has it become so easy for the hackers, Meta? Help!”
Caption niya: “Took many years to build and just a wrong click to lose”
View this post on Instagram
Kahapon din, binalaan ng PEP Troika columnist na si Gorgy Rula ang mga kaibigan niya sa Facebook dahil na-hack ang kanyang personal account.
At ilang minuto lang ang nakalipas, inutangan na ng hacker ang ilang personal friends niya.
News Philippines today at https://philtoday.info/