Zeinab Harake slams Wilbert Tolentino for spreading “lies” about money issue

Naiyak si Zeinab Harake sa galit, kahihiyan, at sama ng loob dahil sa birada sa kanya ni Wilbert Tolentino na siya ay “user, pa-victim, bait-baitan, mukhang pera, at naninira ng kapwa celebrity vloggers.”

Linggo ng gabi, October 23, 2022, idinaan ni Zeinab sa Facebook Live ang detalyadong sagot niya sa mga akusasyon ni Wilbert.

Umalma si Zeinab dahil, aniya, hindi nakuntento si Wilbert sa pagpapakalat ng “maraming kasinungalingan” tungkol sa mga pinagsamahan nilang trabaho.

Nakuha pa raw nitong mandawit ng mga sikat na artista at vloggers, na walang kinalaman sa isyu, para lamang ipahiya siya nang bonggang-bongga.

Read: Wilbert Tolentino calls Zeinab Harake “user, pa-victim, bait-baitan”; accuses her of badmouthing other celebrity vloggers

Buwelta ni Zeinab kay Wilbert: “Bakit ka ganyan?

“Tutulong ka, magpiprisinta ka, tapos pagkatapos magkaroon sa iyo ng utang na loob, isusumbat mo, ipapahiya mo, sasabihin mo lahat.

“Asan yung tulong dun?”

Malalim ang hugot ni Zeinab dahil itinuring daw niyang nanay-nanayan si Wilbert, na tinatawag niyang “Momshie,” pero ito pa raw ang nanakit at trumaydor sa kanya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Zeinab, may dalawang insidente na sinira ni Wilbert ang tiwala niya.

Bago niya sinabi ang rurok ng alitan nila ni Wilbert, ipinaliwanag muna ni Zeinab ang kanyang bersiyon sa working relationship nila ni Wilbert.

Kinumpirma ni Zeinab na totoong may bayad ang vlog collabs nila ni Wilbert.

Pero sabi ng sikat na vlogger, kalabisan na palabasin siyang “user” at “mukhang pera” dahil pinagtrabahuan niya kung anuman ang ibinayad ni Wilbert sa kanya.

Kasagsagan ng pandemya nang kulitin daw siya ng vlogger na si Jomar Lovena na nag-aasikaso noon sa pagbuo ng YouTube channel ni Wilbert.

“Bagong salta” sa mundo ng vlogging si Wilbert at gusto raw nitong makakuha ng subscribers sa pamamagitan ng pakikipag-collab kay Zeinab.

Si Zeinab ay kilalang vlogger na may 13.1 million subscribers sa YouTube sa kasalukuyan. Kahanay niya ang celebrity vloggers tulad ni Ivana Alawi, na may 16 milion subscribers, at Alex Gonzaga, na may 13 million subscribers.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Zeinab tungkol sa pagnanais ni Wilbert na makilala rin sa vlogging community:

“Kada collab niya na nagbabayad siya, kailangan i-promote nang sobra-sobra para maibalik yung binayad niya. Wala pong gamitan dun.

“Kung na-promote ko siya nang sobra-sobra, ibig sabihin nun ginawa ko lang ang trabaho ko sa kanya at di ko siya pinerahan.

“Wala akong kinuhang pera sa kanya na hindi ko ginawan ng trabaho. Yun ang totoo.”

Hindi sinabi ni Zeinab kung magkano ang talent fee niya sa collabs nila ni Wilbert.

Pero una nang sinabi ni Wilbert na PHP400,000 ang bayad niya kay Zeinab sa unang collab nila.

Sinabi rin ni Wilbert na nakipag-collab siya sa noo’y live-in partner ni Zeinab na si Skusta Clee, at PHP400,000 din ang ibinayad niya rito.

Si Skusta o Daryl Ruiz ay kilalang rapper at miyembro ng rap group na Ex Battalion.

Patuloy na kuwento ni Zeinab, “Hindi lang ako, lahat ng naka-collab niya sa YouTube channel niya is bayad.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“At ang pinakamasaklap dun, halos iba dun ka-same ko ng talent fee kahit malayo sa subs [subscribers] ko, na hindi ko minata, hindi ko sinilip.

“Thankful lang ako na may trabaho ako that time dahil kailangan na kailangan ko ng trabaho. Dahil wala namang iba na susuporta.”

Buntis daw noon si Zeinab sa anak nila ni Skusta na si Bia.

Tinanggap daw ni Zeinab ang raket kay Wilbert dahil marami sa mga proyekto niya ang hindi natuloy dahil sa kanyang pagbubuntis.

Ipinaliwanag ni Zeinab na totoong gusto niyang kumita ng pera dahil sa kanya nakaasa ang extended family niya, pati na si Skusta na ginagastusan din daw niya noon.

Wala naman daw ambag si Skusta sa expenses nila.

Ani Zeinab hinggil kay Skusta: “Alam ng partner ko iyan, pinilit ko, naglabas ng isang music video na yung taong [Skusta] iyon na kailangan bumalik [sa music scene], so tinutulungan ko siya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“So, ako yung kayod nang kayod. Lahat ng pera ko, kailangan ko ipundar para magkaroon siya ng magandang image, para di siya mag-isip ng kung anu-ano.”

ON INTRODUCING HER VLOGGER FRIENDS TO WILBERT

Kaya hindi raw maintindihan ni Zeinab kung bakit idinidiin siya at minamasama ang pagnanais niyang rumaket kay Wilbert.

Siya pa nga raw ang nagpakilala kay Wilbert sa mga kakilala niyang vloggers na kasama sa sirkulo nila ni Skusta, kabilang na ang magkasintahang Flow G at Angelica Yap aka Pastillas Girl.

Hinaing pa ni Zeinab: “Ano bang nagawa kong trabaho dun? Yung per appearance ko sa video ipo-promote ko sa social media.

“Pero yung paglalapit ko sa mga kaibigan ko, pag-isip ko ng content, paggawa ng props, lahat iyon… Hindi ko siningil dahil ayoko na.

“Dumating sa point na, oo, binabayaran ako ni Momshie Wilbert, pero di ko nilubos at di ko sinamantala iyon dahil iyon ang totoo.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Dahil kung may namantala sa iyo, iyon yung mga di nakarating sa iyo. Iyan sina Daryl, yung mga kagrupo niya, na napasama sa akin na gusto nila ng raket.

“Ako, nilapit ko, dahil ako ang koneksiyon. Alam ng lahat iyan.

“Sana lahat ng mga naka-collab mo magsalita din. Lahat tayo dito pare-parehas nagtatrabaho lang.

“Huwag naman sana na may isa lang nadidiin, na ako yung nagmumukhang masama, na mukhang pera, na kailangan ko kumabig nang ganito.

“Lahat iyon pinagtrabahuan ko.”

Kaya tingin ni Zeinab ay “quits” lang sila ni Wilbert dahil pareho silang nagtrabaho lang.

ON BEING CALLED “PA-VICTIM”

Hindi raw naningil si Zeinab nang sobra.

Wala rin daw siyang angal kahit na iyong mga inilapit niyang vloggers kay Wilbert ay kapareho ng talent fee niya kahit di hamak na mas marami siyang subscribers.

Hindi maintindihan ni Zeinab bakit nababahiran ng malisya ang pagbayad sa kanya, gayong talent fee iyon para sa trabaho na nai-deliver naman daw niya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Masakit daw para kay Zeinab ang akusasyon ni Wilbert na siya ay “pa-victim” at ginagamit ang personal na dinaaanang trahedya para makakuha ng views.

Hindi raw totoo iyon dahil ni hindi raw ginamit ni Zeinab na YouTube content ang hiwalayan nila ni Skusta.

Bagkus ay si Wilbert pa raw ang naglabas sa birada nito ng mga personal na detalye tungkol kina Zeinab at Skusta.

Sabi ni Zeinab kay Wilbert: “Sana kinausap mo ako nang maayos. Hindi yung mukha tayong tanga online.

“Personal na buhay ko di ko sinabi dito. Yung mga sinabi ko sa Toni Talks, yung mga small interviews ko na small details, lahat yun pinigilan ko.

“Ayoko na gaya ng dati na nagla-live ako, lasing-lasing ako, nagmukha akong tanga.

“Ngayon, di ko ginawa iyon. Pero ngayon, ano ginagawa mo?”

ZEINAB CALLS OUT WILBERT’S “LIE” ABOUT HER INTRO VIDEO

Kinuwestiyon din ni Zeinab ang tirada ni Wilbert na siya ay ma-pride at ayaw aminin na siya ay tumanggap ng pinansiyal na tulong kay Wilbert.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

May kinalaman ito sa intro video o opening billboard (OBB) para sa YouTube channel ni Zeinab.

Ayon kay Zeinab, boluntaryong inalok ni Wilbert na ito ay maging “sponsor” sa intro video niya.

Kaya raw nilapag ni Zeinab ang plano niya para sa kanyang intro video pati na ang magagastos dito.

Paglilinaw ni Zeinab, “PHP300,000” at hindi more than “PHP500,000” ang ipinaluwal ni Wilbert para sa intro video niya.

Saksi raw ang direktor ng shoot na hindi naman sponsored ni Wilbert ang kabuuang gastos sa shoot.

“Ang nagastos ko sa intro, PHP1.1M. Mas malaki ba yung PHP300,000 sa PHP800,000? Huwag mo sabihin sa iyo galing iyon, Ma.

“PHP1.1M nagastos ko dun, PHP300,000 lang yung sa iyo at maraming-maraming salamat po.

“Kung gusto niyo, ibalik ko PHP300,000 na iyon ngayon, ibibigay ko. Wag niyo lang ako ganyanin.”

Patutsada pa ni Zeinab kay Wilbert: “Kasi di totoo mga sinasabi mo. Sinungaling ka. Antanda-tanda mo na, nanggaganyan ka ng tao.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado si Zeinab na inaway niya si Wilbert noon.

Nagulat daw si Zeinab dahil pinalabas umano ni Wilbert sa direktor ng intro video niya na si Wilbert lang ang nagbayad ng buong shoot.

“Sana i-credit pinaghirapan ko kasi malaki inilabas ko kaysa sa ibinigay mo,” diin ni Zeinab.

Hindi rin daw niya akalaing ipinakita pa ni Wilbert sa direktor ang conversation nila tungkol sa proyektong iyon.

Sa isip-isip daw ni Zeinab, “Itong taong ito nagsasalita ng kung anu-ano pag nakatalikod ako, akala ko mag-nanay kami.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Glamorous ex-girlfriend of model Kris Smith suffers a rare heart condition after getting her Pfizer Covid shot – but reveals her compelling reason to get the jab
Next post The Rise of the Police-Advertiser