Zeinab Harake reveals Skusta Clee’s “kabit” caused falling-out with Wilbert Tolentino

Ayon sa celebrity vlogger na si Zeinab Harake, nagsimula siyang manlamig sa talent manager-vlogger na si Wilbert Tolentino nang unti-unti niyang maramdaman na hindi ito totoong kaibigan sa kanya.

Sa kanyang Facebook Live noong Linggo, October 23, 2022, kinumpirma ni Zeinab na si Wilbert ang itinuring niyang isa sa mga confidant niya noong on the rocks na ang relasyon nina Zeinab at Skusta Clee nung first quarter of 2022.

Saksi raw si Wilbert kung gaano siya kalugmok noon.

Tandang-tanda pa ni Zeinab na March 12, 2022 nang mag-offer daw si Wilbert na puntahan siya sa bahay.

Lumayas daw kasi noon si Skusta sa bahay ni Zeinab kunsaan nakatira ang couple.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Zeinab hinggil sa pagdamay sa kanya ni Wilbert: “Pumunta ka… Nag-iiiyak ako na iniwan ako ni Daryl [Skusta] dito sa bahay. Tapos sinabi ko sa iyo na buntis ako.

“Kitang-kita mo yung stress ko nun. Nakikiusap ka pa sa mga tao na huwag niyo pababayaan si Zeinab. Walang camera dun, Ma. Alam mo kung totoo ang ipinapakita ko.”

Pero sinunod nga raw ni Zeinab ang payo ni Wilbert na “i-win back” si Skusta. Kahit na ang ibang taong malapit kay Zeinab na sina Donnalyn Bartolome at Angelica Yap ay pinayuhan siyang i-give up na si Skusta.

“Sabi mo, ‘I-win back mo. Minsan babae mali. Mabunganga ka kasi.’

“Tinanggap ko mga pinagsasasabi mo sa akin. ‘Oo nga baka mali ako. Kaya nilayasan ako ng asawa ko.’

“That time, di ko pa alam na nambababae si Daryl. Wala pa akong alam na niloloko ako ng hayop na yun. So, ako, hinayaan ko, nakinig ako sa iyo.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kinabukasan, tinawagan ko nanay ko at nanay ni Daryl, na puntahan namin at hanapin si Daryl, pauwiin dito sa bahay para magkausap kami.

“Kinausap ko. Umuwi si Daryl. Nagkabati kami. Chinat kita, nagpasalamat ako.”

Makalipas ang apat na araw, nakarating kay Zeinab ang blind item na lumabas sa isang radio show.

“Yung live [radio show] na iyon, [sabi sa blind item], ‘Sino itong vlogger, bungangera na four months na buntis na may partner na ‘Sige sige maglibang?’

“So, Ex Battalion [yung lalaki kasi kanta iyon ng group]. Si Darryl yun at ako.

“Bakit kami na-blind item? Gabi, sinabi ko sa iyo. After two days, nag-live yung tao na yun [sa radio show]. Two days ago na yung live saka ko nakita.

“Pinopromo ako, pinapahulaan yung vlogger at rapper na iyon. So, kami iyon.”

Totoong naapektuhan daw si Zeinab na lumalabas na itsinismis umano ni Wilbert ang breakup nila ni Skusta sa radio show.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nakita raw kasi ni Zeinab na may kuha si Wilbert kasama ng DJ ng radio show na iyon, kaya malaki ang paniniwala niyang si Wilbert ang source ng blind item.

Ayon kay Zeinab, galit din si Skusta kay Wilbert. Si Skusta pa raw ang nagsabi kay Zeinab na kokomprontahin nito si Wilbert.

Si Skusta raw ang boluntaryong nag-send kay Wilbert ng screenshots tungkol sa blind item na lumabas sa radio show na nag-break sina Skusta at Zeinab.

Nagkabalikan na noon sina Skusta at Zeinab.

Pero makalipas lang ang ilang araw ay doon pa lang nahuli ni Zeinab ang pambababae ni Skusta.

Iyon daw ang last straw ng sigalot nila ng live-in partner.

Ani Zeinab, April 1, 2022 nang hindi na siya nakapagtimpi at tuluyang pinalayas si Skusta sa bahay niya.

April 11, 2022 nang makunan si Zeinab at hindi nag-survive ang second baby sana nila ni Skusta.

Ang anak nina Skusta at Zeinab na si Bia ay kaka-one year old noong April 28, 2022.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

ON WILBERT BEFRIENDING SKUSTA’S ALLEGED “KABIT”

Sa huli, inamin ni Zeinab na ang rurok ng naramdaman niyang pagkasira ng pagkakaibigan nila ni Wilbert ay may kinalaman sa alleged third party sa hiwalayan nila ni Skusta.

Hindi binanggit ni Zeinab ang pangalan ng sinasabi niyang other woman ni Skusta.

Pero sa naunang vlog ni Wilbert, si Wilbert ang tumukoy na ang babaeng itinuturing ni Zeinab na “kabit” umano ni Skusta ay ang TikToker na si Aira Lipata.

Base sa salaysay ni Zeinab, lumalabas na may common acquaintance sina Zeinab at Wilbert na nagparating kay Zeinab tungkol sa kagustuhan ni Wilbert na makilala si Aira.

May 2022 daw nang malaman ni Zeinab ang impormasyong iyon.

Tingin ni Zeinab, intensyonal ang aniya’y kagustuhan ni Wilbert na makilala si Aira dahil may hindi siya nagawang TikTok content na ipinapagawa sa kanya ni Wilbert.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Zeinab: “Pinaka hindi ko kinaya yung sinabi na pinapahanap mo yung kabit kasi di ko ginawa yung TikTok.

“Nag-message ka sa akin after ng trending na hiwalay na kami ni Daryl. Pinapa-TikTok niya sa akin yung kanta ni Madam Inutz.

“Tinanong niya yung rate ko. Yung ibinigay kong rate ko is totoo naman talaga. Di ko alam kung nalakihan siya or what.

“Sabi niya [Wilbert], ‘Ah, okay sige.’ Sabi ko nun, ‘Ma, di ako magaling talaga sumayaw’ kasi umiiwas na ako.

“Ayoko na nga ng any work sa kanya. Iniwasan ko tumanggap ng work sa kanya lately kahit okay na kami dahil nararamdaman ko na parang sinusumbat niya yung perang pinatatrabahuan naman namin.

“Client ka, e. Yung ibinayad mo sa akin nakukuha mo rin naman [yung kapalit], di ba? Nasa subs mo, nasa followers mo.

“Hindi lang sa YouTube, sa lahat ng social media accounts ko prinomote kita, kahit na anlayo ng totoong rate ko kapag naningil ang management ko sa mga trabaho ko.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Hinayaan ko lang dahil mas kailangan ko, mas nakakapag-isip ako ng content as parang nagdidirek ako ng vlogs mo. Pero di ko alam na mamasamain mo pala iyon all this time,” dire-diretsong hinaing ni Zeinab.

Sabay tukoy ni Zeinab sa aniya’y pakikipaglapit ni Wilbert kay Aira: “Ngayon, ipapahanap mo yung taong dahilan kung bakit nasira yung ulo ko, bakit walang tatay yung anak ko, bakit mag-isa akong naglilibing ng anak ko.

“Paano mo nagawa iyon? Di ko napipigilan emosyon ko, e. Nasasaktan talaga ako.

“Hinding-hindi ko gagawin iyon sa iyo. Ma, bakit? Para yamutin ako kasi di ko nagawa yung pinapagawa mo?

“Sana kinausap mo na lang ako. Or huwag mo na lang ako kausapin kahit kailan.

“Hindi yung nagpi-pretend ka na para tayong okay, at wala kang ginagawang masama sa akin, kahit meron talaga.”

Read: Did Zeinab Harake confront a TikToker in a bar because of ex-partner Skusta Clee?

ZEINAB ON UNFOLLOWING WILBERT

Ang naramdaman niyang pagsira ni Wilbert sa tiwala niya at sa pagkakaibigan nila ang mitsa kung bakit daw in-unfriend at in-unfollow ni Zeinab si Wilbert.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Lahat daw ng taong pina-follow ng partido na kampi kay Skusta ay nilayuan niya.

Nanahimik daw si Zeinab sa pinagdadaanan niyang sakit sa panloloko umano sa kanya ni Skusta para makalimutan ang lalaking lubos na minahal at ama ng kanyang anak.

Naiiyak na sabi pa ni Zeinab tungkol kay Wilbert: “Pinili ko na di ko sabihin kagaya ng sinasabi mo sa akin na parang ginagamit ko yung personal kong isyu para pagkakitaan.

“Sana nag-upload ako ng vlog. Sana di ako nagpa-interview sa iba para di niyo isipin na gusto ko kumita, gusto ko gamitin yung personal issue ko para mag-trending ako.

“Bakit ako lumayo sa inyong lahat? Pinagtutulungan niyo kasi ako. Hindi ko alam bakit ganyan kalaki galit mo sa akin?

“Tawagan mo ako, ‘Zeinab, puwede ba tayo mag-usap?’ Yung nira-rant mo na di ka namin sinagot, dahil nga yun sa nalaman ko na pinapahanap mo yung kabit.

“Paano mo magagawa sa akin yun? Hahanapin mo yung kabit tapos lahat kami kaibigan mo, gusto mo makakatrabaho mo? Gusto mo raw maging alaga?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Ano ako? Laruan? Kaya kita pina-unfriend, pina-unfollow sa lahat.”

Kung hindi man daw siya ma-reach ni Wilbert sa social media dahil na-unfollow niya ito, puwede naman daw siya nitong tawagan sa telepono.

Hanggang sa nitong ngang October 2022, nag-post si Zeinab sa Facebook ng tungkol sa taong itinuring niyang “kakampi” iyon pala ay “kalaban.”

Naka-post daw iyon “for friends only” sa kanyang Facebook at mayroon lamang “20 comments.”

Nanindigan si Zeinab na hindi si Wilbert ang pinatatamaan niya.

Pero lumalabas na mayroon sa Facebook friends ni Zeinab ang nag-repost at nagpakalat ng post niyang iyon.

Nakiusap din siyang tigilan na nila ni Wilbert ang bardagulan sa social media.

“Momshie, tama na ito. Kausapin niyo ako. Mukha tayong tanga. Bakit kailangan ng ingay?

“Gusto niyo pinagpiyepiyestahan tayo. Maging matured naman tayo. Pinipili ko na iyon dahil nanay na ako mag-isa, na walang nagga-guide sa akin.

“Sana naintindihan niyo ako na may sarili akong buhay. Bakit kailangan niyo ako pakialaman? Bakit pinipilit niyo palabasin na masama akong tao?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Bakit kailangan lagi sabihin pa-victim, user, baliw, kung anu-ano pa?

“Huwag niyo ako pinagtri-tripan. Maghiwalay na lang tayo ng landas,” pagtatapos ni Zeinab.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post US and UK Governments use Purpose Built Twitter Portal, created in the UK, to Directly Access and Censor Twitter Users
Next post More than 23k children ‘Died Suddenly’ across Europe following EMA approval of the ‘Covid’ fake vaccine