Zanjoe Marudo replies to Gloria Diaz’s offer to send him new vibrator

Sumagot na si Zanjoe Marudo sa alok ni Miss Universe 1969 Gloria Diaz na padadalhan niya ito ng bagong vibrator.

Noong nakaraang linggo, ginulat ni Gloria ang maraming netizens nang mag-unbox siya ng feminine toy.

Sabi ni Gloria sa caption ng kanyang post sa Instagram last July 13: “WOW!!! New president New teleserye New partner of jellytime BOBBLE is here [droplets, collision, smiling face with three hearts, clapping hands emojis]!!!!”

Hindi malinaw kung sponsored content ang post na ito ng beteranang aktres.

Read: Miss Universe 1969 Gloria Diaz unboxes new feminine toy: “It vibrates very fine! Grabe, I love it!”

Ilang araw ang nakalipas, napansin ni Zanjoe ang post ng kanyang nanay-nanayan sa showbiz.

Sabi ng aktor kay Gloria sa comments section: “[raising hands emoji] Momshie”

Nitong July 15, nag-react si Gloria sa komento ng dati niyang kasamahan sa ABS-CBN teleserye na Dream Dad.

Biro ng fomer Miss Universe, baka gusto raw ni Zanjoe ng bagong vibrator at padadalhan niya ito. Tiniyak pa niyang magugustuan ito ng aktor.

Continue reading below ↓

Buong tugon ni Gloria kay Zanjoe: “Z do you want me to send you [face with tears of joy emoji] u will like it hahaha ! But cant be multi …… !”

Read: Gloria Diaz pokes fun at Zanjoe Marudo for commenting on her vibrator unboxing video: “Do you want me to send you?”

Makalipas ang halos buong isang araw, saka naman sumagot si Zanjoe sa alok ni Gloria.

Biro pa niya, “@gloria.diaz69 [faces with tears of joy emojis] i have na!”

Zanjoe Marudo reacts to Gloria Diaz's vibrator offer

Continue reading below ↓

“PANG-FACIAL ITO”

Noong Sabado, July 16, ipinost naman ni Gloria kung paano umaandar ang nasabing vibrator.

Saad niya sa caption, “SLAY!!! [smiling face with three hearts, sweat droplets, nail polish emojis]”

View this post on Instagram

A post shared by Gloria Diaz (@gloria.diaz69)

Tawang-tawa naman sa comments section ang ilang celebrities, kasama na ang anak ni Gloria na si Isabelle Daza, at ang beauty queens na sina Ruffa Gutierrez at Kylie Verzosa.

Zanjoe Marudo reacts to Gloria Diaz's vibrator offer

Continue reading below ↓

Zanjoe Marudo reacts to Gloria Diaz's vibrator offer

Zanjoe Marudo reacts to Gloria Diaz's vibrator offer

Continue reading below ↓

Isang fan naman ang pabirong nagtanong kay Gloria kung anong klaseng bagay ang ipinost niya.

Sabi nito: “Tita gloria ano po yan [cat face with tears of joy emojis] dirty minded na po ako”

Birong tugon naman ng former Miss Universe: “Pang facial ito [heart emoji]”

Zanjoe Marudo reacts to Gloria Diaz's vibrator offer

Ayon sa www.merriam-webster.com, ang vibrator ay isang “electrical apparatus used in massage or for sexual stimulation.”

Continue reading below ↓

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post A chilling development in Brazil
Next post Survivor Cow: A Message of Hope