
Yohan Agoncillo shows off her dance moves at her 18th birthday party
Ipinamalas ni Johanna Louise “Yohan” Santos Agoncillo, adopted daughter nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang kanyang talento sa pagsayaw sa kanyang debut party.
Ang 18th birthday party ni Yohan ay ginanap sa Green Sun Hotel sa Chino Roces, Makati City, ngayong Sabado ng gabi, November 19, 2022. November 8 naman ang talagang petsa ng birthday ni Yohan.
Related article: Celebrities spotted at Yohan Agoncillo’s 18th birthday party
Bagama’t star-studded ang event na dinaluhan ng mga kaibigang artista nina Juday at Ryan, ang debutante ang nagningning dahil sa kanyang dance performances.
Mas lalong nangibabaw ang party mood ng lahat nang nagtungo si Yohan sa main stage at sayawin ang “Hype Boy” ng K-pop girlband na NewJeans.
Dito ipinakita ni Yohan na may taglay siyang dance skills.
Highlight din ng event ang paghataw ng mag-amang Ryan at Yohan sa dance floor sa saliw ng “Dynamite” ng tanyag na K-pop boyband na BTS.
Si Yohan ay isang avid K-pop fan.
NOOD KA MUNA!
Ang kakaiba rin sa debut ni Yohan ay hindi ang nakaugaliang debut ng babae na pormal ang selebrasyon.
Sa kanyang 18th birthday, nailabas ni Yohan ang kanyang personalidad na masayahin lalo’t hindi naman siya nagso-showbiz kagaya ng kanyang mga magulang.
Gayunpaman, may pagkakataong nakikita si Yohan sa Eat Bulaga dahil isinasama siya ni Ryan, na isa sa co-hosts ng Kapuso noontime show.
Sa kanilang speech, pinasalamatan nina Juday at Ryan ang mga dumalo sa debut ng kanilang anak.
“You’re gonna make this night special not only for our daughter Yohan, but for us, the parents,” sabi ni Ryan sa mga bisita.
“Thank you all for making time. I know yung iba medyo short notice, but all of you are part of Yohan’s growing up mula nung pagkabata niya,” sabi naman ni Juday.
Kasama rin nina Juday at Ryan ang kanilang dalawa pang anak na sina Lucho, 12, at Luna, 6.
News Philippines today at https://philtoday.info/