Winwyn Marquez’s face reveal of her non-showbiz fiancé at their baby’s baptism

Ipinakita na sa publiko ni Winwyn Marquez ang itsura ng kanyang fiancé na isang non-showbiz personality.

Ito ay matapos ganapin ang binyag ng five-month-old baby ng beauty queen-actress na si Baby Luna Teresita Rayn.

Ginanap ang binyag sa Sacred Heart of Jesus Parish Church sa Muntinlupa nitong Biyernes, October 7, 2022.

Nag-post ng mga highlights si Winwyn mula sa binyag ng anak, gaya ng mga celebrity godparents at mga dumalong bisita.

Nag-post din ang mga artista ng mga kuha ni Winwyn kasama ang isang lalaki na bitbit ang anak ng aktres.

Mahihinuhang ang lalaki ay ang non-showbiz fiancé ni Winwyn at ama ng baby.

winwyn marquez boyfriend

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kabilang sa mga ninong na nag-post ng pamilya ni Winwyn ay si Rodjun Cruz at ang businessman na si Ben Chan.

winwyn marquez boyfriend ben chan

winwyn marquez rodjun Cruz

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

(Top photo: Winwyn and her fiancé Rayn, together with businessman Ben Chan. Bottom: Actor Rodjun Cruz with his son Joaquin together with Winwyn and her daughter Luna)

Kabilang sa mga ninang ay ang fellow beauty queens ni Winwyn na sina Laura Lehmann, Sophia Senoron, at Thia Thomalla.

Nag-post din ng photos ang ninang na si Redgie Magno, dating GMA-7 Vice President for Drama Productions.

Sa kanyang caption tinukoy niya ang fiancé ni Winwyn na si Rayn.

Indikasyon na ang pangalan ng baby ay pinagsama ang pangalan nina Winwyn (Teresita) at Rayn.

Makikita rin sa post ni Redgie na nakadalo ang ina ni Winwyn na si Alma Moreno.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

ISSUES INVOLVING WINWYN’S NON-SHOWBIZ PARTNER

Bago ang binyag, hindi ipino-post ni Winwyn ang identity at mukha ng kanyang fiancé.

Noon lamang Mayo, kinumpirma ng ama ng aktres na si Joey Marquez na engaged na sina Winwyn at partner nito.

Maraming nagsulputang mga haka-haka kung bakit “itinatago” ni Winwyn ang identify ng kanyang partner.

Diumano ay “may sabit” ito “nagtatago” ito kaya hindi maibalandra ng aktres ang identity nito.

Related article: Winwyn Marquez’s partner reacts to “may sabit,” “nagtatago” allegations

Bagay na tahasang itinanggi ng couple sa isang YouTube vlog noong April 2022.

Sa vlog, humarap si Winwyn at kanyang partner na naka-blur ang mukha.

Mariing itinanggi ng lalaki na may sabit siya o may anak sa iba o kaya ay pamilyado.

“Just for the sake of clarifying, wala akong ibang anak. Wala rin akong ibang asawa o partner,” sabi ng lalaki.

“There’s certain things lang na still nice to keep private.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nagpaliwanag sila kung bakit ayaw ipakita ang itsura ni Rayn noon.

Paliwanag nito, ayaw niyang malipat ang atensiyon ng publiko sa kanya dahil hindi naman siya public figure.

Dugtong niya, “So, as much as possible that you can keep it, maganda na maki-keep mo siya.”

Anito, “Kung malilipat sa akin yung focus, again, hindi naman ako showbiz.”

Dagdag ni Winwyn, “In short, privacy lang talaga and makikilala niyo naman din siya in time.”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post All Out War On the Life Force
Next post Giving made easy with Crypto charities