Willie Revillame on surviving career highs and lows: “Maging totoo ka.”

Masasabing in full circle na si Willie Revillame, 61, sa kanyang karera bilang TV host.

Naikot na niya ang tatlong pinakamalalaking TV stations sa bansa—ABS-CBN 2 (MTB, Masayang Tanghali Bayan, Pinoy Big Brother, Wowowee), TV5 (Willing Willie, Wiltime Bigtime), at GMA-7 (Wowowin).

Ilang buwan mula nang lisanin niya ang Kapuso Network, malapit na uling mapanood sa free TV si Willie at ang kanyang sikat na palabas na Wowowin.

Ngayong Biyernes, July 15, 2022, pormal nang pumirma ng kontrata si Willie sa AMBS 2 para sa co-production ng kanyang game show.

Ang AMBS 2 ay ang TV station na pag-aari ng pinakamayamang tao sa Pilipinas, si former Senator Manny Villar.

Ang AMBS ang nakakuha ng frequencies na hawak noon ng dating network giant na ABS-CBN.

Live na natunghayan ang pirmahan sa Facebook at YouTube sa online program niyang Wowowin: Tutok To Win.

Read: Willie Revillame signs with AMBS, announces return of Wowowin to free TV

Continue reading below ↓

Ang AMBS 2 ang magiging ika-apat na tahanan ni Willie, bitbit ang minamahal niyang istilo sa pamimigay ng papremyo at kasiyahan sa masa.

Ano sa palagay ni Willie ang dahilan kung bakit hindi siya binibitawan ng mga tao anumang istasyon siya mapadpad?

Tugon niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ako siguro yung ano, I would say, yung pagiging totoo mo sa kanila.

“’Yan, to be honest, maging sinsero ka, e. Kasi alam naman ng tao kung nagloloko ka lang, kung nagbibiro ka lang.

“Alam naman nila kung bukal sa puso yung ginagawa mo, e. Ako, I think, ang pinakaimportante sa lahat, maging totoo ka.”

Ang pagpapakatotoo raw ay hindi lamang yung bait-baitan ka in front of the camera.

Seryosong pahayag niya, “Well, kung nagagalit ka, talagang galit ka, ganun.

“Mahirap naman yung hindi ka magpapakatotoo sa industriyang ito, e. Kasi alam mo naman, mabait ka sa harap ng kamera, pagtalikod, hindi ka pala mabait.

Continue reading below ↓

“Ikaw ba, makakatulog ka ba nang ganun?”

Kilala si Willie na may temper at ipinapakita niya ito kahit sa live telecast ng kanyang mga palabas.

Hindi raw ito mahalaga kundi ang nararamdaman niya sa publiko.

Aniya, “Ang pinakaimportante, yung concern mo sa iyong mga kababayan. Ang pinakaimportante, kuntento ka na kung anong meron ka na.

“Huwag ka nang maghangad nang sobra-sobra pa. Ang pinakaimportante, share your blessings.”

SURVIVING CONTROVERSIES

Sa lagpas dalawang dekada ni Willie sa larangan ng game shows, nasangkot siya sa iba’t ibang kontrobersiya na ang iba ay humantong pa sa husgado.

Inakala ng marami, hindi na niya malalampasan ang mga ito at tuluyan na siyang babagsak pa. Pero napagtagumpayan niya lahat ng ito.

Read: Willie Revillame and his controversial TV shows

Ano ang alas niya at nakakabalik pa rin siya sa tuktok ng tagumpay?

Saad ni Willie, “Hindi ako nagtatanim ng galit, e. Wala akong hatred. Wala akong bitterness.

Continue reading below ↓

“Hindi ko… kumbaga, ganun ang buhay, e, lahat naman nagkakamali.

“Hindi ako nagtatanim… hanggang ngayon wala akong… kung may katampuhan ka, ganun talaga ang buhay, e.

“Pag nagkita na, pag nagkayakapan na kayo, tapos na yun, e.

“May kanya-kanya tayong ego, may kanya-kanya tayong ugali. Pero at the end of the day, di ba, masarap matulog nung wala kang dinadala sa puso mo.

“I think yun ang pinakaimportante, e. So, kung nagkakasala ka, nagpakumbaba ka, humingi ka ng tawad, ganun ang buhay, e, di ba?”

Inaasahang sa Setyembre o Oktubre nitong taon magbubukas sa ere ang AMBS 2 na hudyat din ng pagbabalik sa telebisyon ni Willie.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post 10 things to know about Joaquin and Julio, sons of Gelli de Belen and Ariel Rivera
Next post Delivery rider and hari ng raket Ax Valerio graduates magna cum laude