Wilbert Tolentino on conflict between Herlene Budol, former manager: “Pinapirma siya sa bakanteng papel.”

“Mistaken identity” victim ang current manager ni Herlene Nicole “Hipon” Budol na si Wilbert Tolentino.

Dahil ito ang napagbibintangan na nagbulsa diumano ng mahigit isang milyong piso na talent fees ng beauty queen-comedienne.

Mali ang akala ng publiko dahil ang dating kaibigan at manager ni Herlene na si Elizabeth “Elize” Estrada ang inirereklamo ng comedienne.

Sa kanyang Facebook post kagabi, October 4, 2022, ibinahagi ni Wilbert ang pakikipag-usap nila ni Herlene kay Estrada para maayos ang problema ng magkabilang-panig.

“Ako si Wilbert Tolentino, manager ni Herlene Budol mula nu’ng Enero 2022 ang magpapatunay na binigyan na ni Herlene ang dati niyang manager ng mahabang pagkakataon para ayusin ang mga payment, wherein in fact, mineet pa namin ang ex-manager niya sa isang resto at parehas kami na may bitbit na abogado!

“Pero walang proper endorsement kaya kahit ako nangangapa at takot din makipag-close ng deal sa mga inquiries dahil ayoko na may masagasaan kaming brand na previous commitment.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Saksi raw si Wilbert sa pagpapapirma ni Estrada kay Herlene sa isang “bakante” na papel para sa kung anumang transaksyon sa pagitan ni Estrada at Herlene noon.

Idiniin ni Wilbert na mali ang galawang iyon.

Ayon kay Wilbert: “Nakita ko rin na pinapirma siya sa bakanteng papel kaya in-educate ko si Hipon na ‘wag na ‘wag po n’yang gawin ito baka ikapahamak niya.

“FYI sa mga nakakabasa ng statement ko po, dalawa pong tao na nagbigay ng raket kay Hipon ay same process din po ang ginawa sa kanya, pinapirma siya sa bond paper at magkaibigan sila ng ex-manager niya po.

“Lesson learned po ito kay Herlene na dapat mag-iingat po sa mga transaction at bilang co-vlogger ko siya sa industriya, from the bottom of my heart, wala akong kinuhang commission.

Si Wilbert ang nagkumbinsi kay Herlene na sumali sa Bb. Pilipinas 2022 at patuloy na tumutulong sa comedienne.

Wilbert Tolentino with Senator Raffy Tulfo and Herlene Budol

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

HERLENE ON TALENT FEES WORTH PHP1M

Mahigit sa isang milyong piso ang binabawi ni Herlene mula kay Estrada, pero diumano, siya pa ang sinisingil ng dating manager niya.

Pinapabayaran daw ni Estrada kay Herlene ang mga ginasta nito para sa living expenses, driving lessons, at iba pang fees noong nasa pangangalaga niya ang comedienne.

Base ito sa reklamo ni Herlene sa programa ni Senator Raffy Tulfo kahapon, October 4, 2022.

Mariing pinabulaanan naman ni Estrada ang mga paratang ni Herlene na “damaging” daw sa kanyang reputasyon.

Nangako si Estrada na magpapadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng kanyang opisyal na pahayag bilang pagtatanggol sa sarili.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang ngayon, hinihintay ng PEP.ph ang pahayag ni Estrada tungkol sa mabibigat na paratang ni Herlene laban sa kanya.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Genetically Modified Mosquitoes Vaccinate a Human
Next post Amsterdam council desperate to stop David Icke from saying what he is not going to say. Ha. These people are such monumental prats it’s breathtaking. Event organisers state that no way will the invitation be withdrawn