Wil Dasovich surprises parents with rumored girlfriend Carla Humphries

Sinorpresa ni Wil Dasovich ang kanyang pamilya matapos nitong dalhin at ipakilala ang kanyang rumored girlfriend na si Carla Humphries.

Sa kanyang YouTube vlog nitong nakaraang Sabado, July 16, 2022, na may titulong “Reaksyon ng Magulang sa Babaeng Inuwi ko!! (SURPRISE INAY!),” naganap ang kauna-unahang pagkikita ni Carla at ng pamilya ni Wil.

Bago sila magtungo sa bahay ng kanyang mga magulang ay nauna na nitong ipakilala si Carla sa kapatid niyang si Haley Dasovich, na sinabing “amazing” si Carla at “approved” ito para sa kanyang kapatid.

Matapos ang pagkikita nina Haley at Carla ay agad silang nagtungo ni Wil sa bahay kung saan naroon ang mga magulang nito.

Habang nasa daan at nagmamaneho ay inamin ni Wil kay Carla na hindi alam ng kanyang mga magulang ang kanyang pagbisita.

“What are they gonna think? Baka i-judge ako ng ano, like kababae kong tao nagpupunta ako sa bahay ng lalaki,” ani Carla na tila nagdadalawang-isip sa pagsama kay Wil.

Continue reading below ↓

Sagot naman ni Wil, “What’s wrong with that? We’re not gender racists, sexists.

“So, just be yourself, show up your good attitude. Huwag kang maarte and it should be okay.”

Tanong ni Carla, “I’m actually so nervous na pupunta ako sa bahay niyo. Bakit mo ba naisip na i-invite ako?”

“Para masaya,” mabilis na sagot ni Wil.

THE FIRST MEET-UP

Pagdating sa bahay ay nakitang nakaupo sa sala ang nanay ni Wil at agad na sinalubong nito ng yakap si Carla para i-welcome.

Matapos magkumustahan ay inabot na ni Carla ang kanyang dalang pasalubong sa mommy ni Wil.

Binigyan din niya ng isang kahon ng beer ang tatay ni Wil, alinsunod sa payo ni Haley nang tanungin siya ni Carla kung ano ang magandang iregalo dito.

“I’m so nervous to see you that I might be starstruck,” biro ng tatay ni Wil.

Dagdag pa niya, “I thought I’ve met you [Carla] before because I’ve seen you so much.”

Continue reading below ↓

Sa huli ay naging maganda naman ang impresyon ng mga magulang ni Wil kay Carla at labis nila siyang kinagiliwan dahil sa napaka-simple lang daw nito.

Matatandaang Nobyembre noong nakaraang taon nang pumutok ang isyu ng hiwalayan sa pagitan ni Wil at ang dating kasintahan nitong si Alodia Gosiengfiao.

Bagamat hindi na nila isinapubliko ang dahilan ng kanilang break-up, naging maayos naman ang kanilang hiwalayan.

Noong Abril 2022, naunang nagkaroon ng espekulasyon ang mga netizens sa estado ng relasyon ni Wil at Carla dahil sa umano’y pagiging malapit nila sa isa’t isa.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post WEF Says Smartphone Tech Will Be Incorporated Into Your Body – exactly as I have predicted for decades
Next post Big Companies Enrich Themselves at Public Expense and Government is Complicit