Victor Consunji, Rachel Carrasco all smiles at famous bridge in Paris

Nakapamasyal sa Paris, France sina Victor Consunji at Rachel Carrasco.

Si Victor ay founder ng real estate company na Victor Consunji Development Corp. (VCDC), habang si Rachel ay founder ng isang marketing consultancy firm at co-founder ng isang gourmet food and beverage business.

Kahapon, November 23, 2022, ipinost ni Rachel ang litrato nila ni Victor na kuha sa Pont des Arts Bridge sa Paris.

Rachel Carrasco and Victor Consunji

Waring naka-angkla ang kamay nila sa baywang ng isa’t isa, at masayang nakangiti para sa photo-op.

Gamit ang salitang French, ang caption ni Rachel sa photo nila ni Victor ay “Tot et Moi” o sa Ingles ay “You and Me.”

Hindi malinaw kung kailan kuha ang litrato at kung nasa Paris pa rin ang dalawa, na matagal nang magkaibigan.

Pamosong tourist spot ang Pont des Arts Bridge, na dating kilala bilang Love Locks Bridge dahil sa love locks na ikinakabit doon ng mga magsing-irog.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mula 2015 ay ipinagbawal nang magkabit doon ng love locks, at sa halip ay ineengganyo ang mga turista na kumuha na lang ng souvenir photos doon.

Samantala, limited ang comments section ng Instagram account ni Rachel, pero isa sa mga nag-like ng kanyang Parisian photo ay si Tim Connor.

Tim Connor

Si Tim ay British-Thai entrepreneur na kaibigan at kasosyo ni Maggie Wilson, na estranged wife naman ni Victor.

Sa kasalukuyan ay ongoing ang kasong adultery na isinampa ni Victor laban kina Maggie at Tim.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post The World Economic Forum Embraces The Metaverse to Create Global Collaboration Village
Next post Discussing the immigration Issues in Ireland (see everywhere) with John Waters