Vice Governor Alex Castro has no problem with wife Sunshine Garcia’s sexy image

Tatlong taon nang kasal si Bulacan Vice Governor Alex Castro sa dating SexBomb dancer na si Sunshine Garcia.

Mayroon silang dalawang anak: sina Axel, 4, at Alexander, 1.

Ayon kay Alex, kuntento si Sunshine sa buhay may-pamilya. Pero hindi niya ito pipigilan sakaling maging aktibo muli ito sa showbiz.

“Siya naman nag-focus siya sa pagiging nanay. Ganun naman talaga yata pag mga mommies, naiiba ang priorities.

“Sabi ko naman sa kanya, hindi ko siya pinipigilan kung gusto niya. Nakilala ko naman siya artista na siya.

“Saka gaya ng sinabi ko i-unleash mo yung artistic side mo, hindi mo puwedeng itago iyan, nasa kaluluwa mo iyan, e.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex sa nakaraang opening ng Furnitures Deal na ginanap sa Sta. Maria, Bulacan, noong October 1, 2022.

Alam daw niyang nami-miss ni Sunshine ang pag-arte.

“Minsan makikita mo gusto niyang umarte. Hindi rin lang talaga niya kayang mag-lock-in taping nung nakaraan.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Siyempre may mga bata, saka hindi kami makatulog na di magkasama ng ilang araw.”

Wala raw restriction si Alex kay Sunshine kahit pagdating sa sexy image nito.

“Sabi ko, ‘Basta may offer, go! Alam ko nag-taping siya, tapos tinatanong niya nga sa akin kung, ‘Magsu-show pa ba ako?’

“Siyempre dancer siya tapos kukunin siya ng ibang LGU, fiesta, ganyan. Sabi ko, ‘Okay lang! Sige!’

“May mga nagsabi bakit daw pinapayagan ko pa. Siyempre dancer iyan, minsan sexy ang mga damit.

“Yun siya, ayokong baguhin kung sino siya. Nadagdag lang ako dahil ako ang naging asawa niya.”

Seloso ba siyang mister?

“Seloso pero nasa lugar. Pero kailangan kasi yung ginagawa mo masaya ka, kaysa gagawin mo para lang i-please ako pero sa loob mo hindi ka masaya.

“Sayang naman ang buhay natin kung hindi tayo magiging masaya,” sagot ni Alex.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

ALEX PRIORITIZES VICE GOVERNORSHIP OVER BEING AN ACTOR

Sa kaso niya, aminado si Alex na mas prayoridad nito ang trabaho bilang public servant kaysa pag-aartista.

Nanalo siya bilang bise gobernador ng Bulacan noong May 2022 elections.

“Dati, yung public service saka showbiz napagsasabay ko. Pero ngayon, hindi na ako showbiz side.

“Sa mga di nakakaalam, twenty years na ako sa public service. Bago pa ako nag-artista nasa public service na ako. Naging SK [Sangguniang Kabataan] President ako, naging municipal councilor, naging board member ng district 4, and now vice governor.

“Sa ngayon, pangalawang ama na ako ng Bulacan. So, pag wala si Gov [Daniel Fernando] ako ang nagte-take over.”

Dating napapanood si Alex sa Kapamilya shows, at hindi raw mawawala sa kanya ang artistic side niya.

“Minsan talagang mami-miss mo, e. Parang gusto mong umarte, gusto mong kumanta, kailangan mong i-unleash yun, e.

“Pero may mga time naman na nakakapag-mall show pa ako, pasundut-sundot sa mga brands na ine-endorse ko, sa mga sponsors ko.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa acting, simula nung nag-pandemic, talagang di muna ako tumanggap.”

Kasali dapat si Alex sa defunct Kapamilya prime-time series na Ang Iyo Ay Akin, na pinagbidahang nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, at Sam Milby.

“Nakapag-pilot na kami, then nagka-pandemic. Nung babalik na, one to two months kang naka-lock in, di ako puwede sa ganung eksena dahil may trabaho ako.

“Maraming umaasa na kaya kami ibinoto para tumulong sa kanila, baka kami hanapin sa panahon ng pangangailangan tapos nasaan ako?”

Kaya hindi raw siya makatanggap ng full-length teleserye.

“Nung board member ako pasundut-sundot ako ng two taping days, Ipaglaban Mo, MMK.”

ON ABS-CBN’S LACK OF FRANCHISE

Bilang isang Kapamilya, nahingan din ng saloobin si Alex sa estado ng ABS-CBN na wala pa ring prangkisa sa nakalipas na dalawang taon.

Saad niya, “May due process naman, makakapag-apply uli sila…

“Nakikita ko nagsi-shift na naman ang mga viewers, hindi na nakatutok sa TV. Kasi kung mapapansin niyo, kung nakita niyo nung election, wala nang masyadong nagti-TV ads na mga nangangampanya. More on social media saka sa digital na.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro isa rin sa nakaapekto yung pagkawala ng ABS-CBN. Siguro yung mga fanatic ng ABS na nanood sa TV, ‘Ay, wala na naman akong mapapanood na ABS.’ Tapos nakikita nila nire-replay din naman sa social media like sa Facebook, kaya medyo nag-shift na rin.

“Pero kasi ang malungkot dun ay yung nawalan ng mga trabaho kaya kailangan na sanang maibalik, mabigyan ng pagkakataon para makapagbukas uli ang ABS.”

ON HIS WORK AS VICE GOVERNOR

Ibinahagi rin ni Alex ang mga pinagkakaabalahan niya bilang vice governor.

Kasama rito ang pagbibigay-parangal sa limang nasawing rescuers noong nakaraang bagyong Karding, at pag-abot ng benepisyo sa mga naulila nito.

Ipinagmalaki rin niya ang infrastructure projects sa lugar.

“Ang Bulacan kasi, ito na ang gateway to the North, e. Yung development, parating na dito.

“Yung new Manila International Airport na itatayo sa Bulacan, sign ito kasi international na. Tuluy-tuloy yung construction, four to six years, okay na siya, operational na.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi rin ni Alex na nire-regulate na sa Bulacan ang quarrying at pagdaan ng overloaded trucks sa highway.

“Tingnan niyo lagpas tao ang tubig [nung bagyo]. Di naman total banned pero ngayon naka-ban. [Kailangan] i-regulate kasi maraming illegal.

“Huwag yung maraming lumalabag sa batas tapos quarrying nang quarrying, mining lang sila nang mining, putol nang putol ng mga puno.

“At the end, wala man lang silang pananagutan dun sa mga tao. Maayos naman siyang negosyo basta i-regulate lang.

“Basta kami naka-stop kami. Bukod dun sa bundok, lahat ng kina-quarry sa bundok binababa sa kapatagan, dadaan sa kalsada, yun ang sumisira sa kalsada.

“Quarrying and anti overloading, isa pa ‘yan, iyan yung mga ordinance na pino-formulate namin ngayon… Chain reaction kasi iyang overloading and quarrying.

“Isa iyan sa tinututukan namin ni Governor. Three weeks nang naka-banned ang quarrying sa Bulacan.”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post David Icke speech for Amsterdam peace rally that he was banned from 26 countries for trying to make (Please share far and wide)
Next post PCR Swabs Coated in Toxic Carcinogen, Bill Gates Linked to Nasal Cancer-Treating Drugs