Vice Ganda on critics of relationship with Ion Perez: “The noise doesn’t matter.”

Hindi na raw mahalaga kay Vice Ganda ang mga alingasngas tungkol sa relasyon nila ng partner na si Ion Perez.

Ito ang sinabi ng It’s Showtime host sa anniversary post niya para sa kanilang 4th anniversary kahapon, October 25, 2022.

Dagdag pa ni Vice, ang mas importante sa kanya ngayon ang pagmamahalan nila ni Ion na hindi natatalo ng kritisismo.

Buong post ni Vice sa Instagram: “The noise doesn’t matter. I only hear your whisper.

“Living for this love. This LOVE that keeps on winning. #4theWin #Noi&Tuy”

View this post on Instagram

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin)

Nauna nang nag-post si Ion ng kanyang anniversary message para kay Vice.

Sinabi ni Ion na “walang rason” para maging mali ang pagmamahal niya sa It’s Showtime main host.

Aniya, “Uulitin ko! Maraming rason ang TAMA para maging MALI pero ang pagmamahal ko sayo walang rason para maging MALI!!!

“Happy 4th anniversary asawako! [three purple hearts emojis]”

Read: Vice Ganda, Ion Perez celebrate 4th anniversary with fireworks

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang private resort sa Tiaong, Quezon sinalubong ng dalawa ang kanilang fourth anniversary noong gabi ng October 24.

Bukod sa intimate party, may pa-fireworks display pa ang dalawa.

Kasama nila sa pagdiriwang ang ilang kaibigan tulad nina Awra Briguela at Hashtags members Kid Yambao, Wilbert Ross, at Zeus Collins.

Sa It’s Showtime kaninang tanghali, October 26, sinabi Vice na maaari na siyang pumasok sa noontime show kahapon, pero nagpaalam daw siyang pagbigyan pa ng isang araw dahil anibersaryo nila ni Ion.

Ito ang muling pagbabalik niya sa show matapos ang ilang araw na pagliban “for a valid reason.”

Mensahe ni Vice kanyang Twitter account kaninang umaga: “See you chudey in Showtime!!!! Let’s chugug this day because this is the day this is the day that the Lord has made! [heart emoji]”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinalungkot ng maraming fans at avid viewers ng It’s Showtime ang ilang araw na pagliban ni Vice, lalo na nang hindi siya nakadalo sa grand finals ng “Miss Q&A: Kween of the Multibeks” noong October 22, 2022.

Read: Vice Ganda issues statement after missing the grand finals of “Miss Q&A: Kween of the Multibeks”

Nagpaliwanag naman siya sa kanyang Twitter account kung bakit, ngunit halatang biro ang lahat.

Read: Vice Ganda sarcastically answers speculation about alleged feud among It’s Showtime co-hosts

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Canadian Bank Launches Credit Card Linked to Carbon Emissions
Next post Brussels set for revolt as Netherland’s Schwab-owned Rutte plans to shut down farms over EU laws