
Vice Ganda expresses support for Vhong Navarro; NBI releases official photos of actor’s transfer to Taguig City Jail
Sa pagtatapos ng ika-13 anibersaryo ng It’s Showtime noong Sabado, November 19, 2022, isang madamdaming mensahe ang ipinaabot ni Vice Ganda sa co-host na si Vhong Navarro.
Hindi nakasama ng It’s Showtime co-hosts si Vhong sa kanilang anibersaryo dahil nakakulong ang comedian-TV host bunsod ng kasong rape na kinahaharap nito.
Ani Vice, araw-araw nilang inaalala at ipinagdarasal si Vhong.
Umaasa rin silang makasama muli si Vhong sa show.
Buong mensahe ni Vice: “Vhong, hinding-hindi ka namin nakakalimutan. Araw-araw, naaalala ka namin.
“At araw-araw, nagdadasal kami para sa iyo. Araw-araw, isa ka sa mga hiling na ibinibigay at ibinubulong namin sa Diyos.
“Kasama ka namin dito at excited na makasama ka naming muli dahil alam naming makakasama ka namin.
“Mahal na mahal ka namin, Vhong Navarro.
“Ang tagumpay ng [It’s] Showtime noon, ngayon, na magiging tagumpay niya pa sa kinabukasan, ay kasama ka Vhong Navarro.”
Read: Kim Atienza reaffirms friendship with Vice Ganda, other former It’s Showtime co-hosts
Samantala, naglabas ng isang maiksing pahayag ang National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang Facebook page.
Tungkol ito sa paglipat kay Vhong mula sa kanilang pangangalaga patungong Taguig City Jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, ngayong Lunes, November 21, 2022.
Kalakip nito ang tatlong larawan ni Vhong pagdating sa city jail.
Nakasaad sa statement: “After completing all the required health protocols, actor Vhong Navarro has been transferred to the BJMP in Taguig City at about 4 o’ clock this afternoon.”
NOOD KA MUNA!
Pasado alas tres ng hapon inilabas si Vhong sa NBI Detention Facility sa Taft Avenue sa Maynila.
Hindi agad-agad ipapasok sa selda si Vhong kasama ang iba pang preso dahil, ayon sa isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sasailalim pa sa labinlimang araw na quarantine ang aktor.
Nakadepende raw ito sa maaaring maging banta sa buhay ni Vhong sa loob ng selda.
Read: Vhong Navarro transferred to Taguig City Jail
Noong November 15, naglabas ng commitment order ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 para sa paglipat ni Vhong sa Taguig City Jail.
Ito ay para sa rape case na inihain ni Deniece Cornejo laban sa kanya.
Read: Vhong Navarro, Deniece Cornejo legal tussle: A Timeline
News Philippines today at https://philtoday.info/