Vice Ganda accepts Anne Curtis’s “breastfeeding” challenge: “O loko!”

Maagang biruan ang natunghayan sa Twitter ng followers ng matalik na magkaibigang sina Vice Ganda at Anne Curtis ngayong Miyerkules, July 20, 2022.

Habang naghahanda ang dalawa sa pagpunta sa studio para sa live show ng It’s Showtime, naghamunan muna sila para sa ikakaaliw ng kanilang mga tagahanga.

Unang nag-post ng kanyang entry si Anne.

Ang ibinahagi ni Anne ay larawan niya na tila nasa isang improvised dressing room.

Sabi niya sa caption: “Ito. Ready na ako. Eh ikaw? Patingin nga ng selfie mo at this very moment. Your timer starts NOW!”

Continue reading below ↓

Kaagad ding nag-post si Vice ng kanyang larawan. Hindi ito bagong kuha pero kuntodo make-up ang TV host-comedian.

Caption niya: “For the woke up like f*ck*ng dizzz!”

Tugon ni Anne: “OH PAK! BIGYAN NG CORNED BEEF AT PANDESAL YARN! (Kahit alam kong late post to)”

Continue reading below ↓

Kasunod ay hinamon naman ni Vice si Anne ng selfie kung saan nagpapa-breastfeed ito sa anak nila ni Erwan Heussaff na si Dahlia.

Hamon pa niya: “Di mo kayang magselfie ng nagpapump ng gatas!”

Kaagad namang kumasa si Anne dito. Nag-post siya ng larawan niyang habang pinapadede si Dahlia sa isang outdoor place.

Continue reading below ↓

Sabi ni Anne sa caption, ayaw niyang hamunin si Vice ng kaparehong challenge dahil baka kung ano ang mai-post nito.

Aniya, “Ayan. Direct latch sezzzz! As a proud bf mum! D kita hahamon nito. Baka kung ano ma-post mo! Kinakabahan me! Hahaha! Love yew!!!!”

Hindi naman siya inurungan ni Vice. Pinatunayan nitong may ibubuga siya.

Continue reading below ↓

Nag-upload ito ng larawan ng isang kabayong ina at ng anak nitong sumususo.

Birong caption ni Vice: “O loko!”

Biruan na sa showbiz ang pagkukumpara kay Vice sa isang kabayo.

Natatawang sagot ni Anne: “Hahaha hayluvet!!!! ikaw na talaga!!!!”

Continue reading below ↓

Ikinatuwa ng netizens ang tila “light bardagulan” ng dalawa na nakakawala ng stress.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Neom: Saudi Arabia To Build The World’s Largest Smart City In History
Next post Two Weeks To Flatten The World