
Vhong Navarro transferred to Taguig City Jail
Nailipat na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, ngayong Lunes, November 21, 2022.
Ayon sa ulat ng radio station DZBB, pasado alas tres ng hapon inilabas si Vhong sa National Bureau of Investigation (NBI) Detention Facility sa Taft Avenue sa Maynila.
Ayon naman sa isang opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sasailalim pa sa labinlimang araw na quarantine si Vhong at matapos nito ay pag-aaralan pa kung maaari nang ihalo ang It’s Showtime host sa ibang mga preso.
Nakadepende raw ito sa maaaring maging banta sa buhay ni Vhong sa loob ng selda.
Sa video naman ng ABS-CBN News, makikitang nakasuot ng orange T-shirt ang actor-TV host at nakasumbrero rin ito.
Tila nakaposas din ang mga kamay ni Vhong.
Bandang alas kuwatro ng hapon, makikitang nakapasok na ang convoy na lulan si Vhong sa Camp Bagong Diwa, base sa ulat ng News5.
NOOD KA MUNA!
Noong November 15, naglabas ng commitment order ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 para sa paglipat ni Vhong sa Taguig City Jail.
Ito ay para sa rape case na inihain ni Deniece Cornejo laban sa kanya.
Read: Vhong Navarro, Deniece Cornejo legal tussle: A Timeline
Hindi siya kaagad nailipat dahil inayos pa ng NBI ang mga dokumento para sa paglipat sa It’s Showtime host sa regular na kulungan.
Read: Vhong Navarro to be transferred to Taguig City Jail after commitment order
Nauna nang hiniling ng kampo ni Deniece na ilipat sa Taguig City Jail si Vhong dahil doon nakasampa ang kanyang mga kaso.
Read: Deniece Cornejo camp seeks immediate transfer of Vhong Navarro to Taguig City Jail
Bukod sa rape, nahaharap din si Vhong sa acts of lasciviousness case na isinampa pa rin ni Deniece.
Ang unang warrant of arrest na inilabas ng Metropolitan Trial Court, Branch 116 noong September 19 ay may kaugnayan naman sa acts of lasciviousness case na inihain ni Deniece.
Read: Vhong Navarro voluntarily surrenders, posts bail for acts of lasciviousness case
Kinahapunan noong araw ring iyon, naglabas ng warrant of arrest ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 kaugnay naman ng rape case na inihain pa rin ni Deniece.
Dahil non-bailable ang kasong rape, kailangang ipasok sa selda si Vhong.
Samantala, hindi naghain ng plea si Vhong matapos basahan ng sakdal kaya ang korte ang nag-enter ng not guilty plea para rito noong October 11.
Read: Vhong Navarro refuses to enter plea in rape case filed by Deniece Cornejo
Sa kabilang banda, dinidinig pa rin ang kasong serious illegal detention laban sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo na ipinayl ni Vhong.
Noong November 7, kinumpirma ng legal counsel ni Vhong na hindi pumayag ang Court of Appeals sa mosyon ng kampo ni Cedric na ibasura ang kinahaharap na serious illegal detention case.
May kinalaman iyon sa reklamo ni Vhong na siya ay ginapos, binugbog, dinitena, at sinubukang kunan ng pera ng grupo ni Cedric noong gabi ng January 22, 2014 sa condo unit ni Deniece.
Read: Court of Appeals junks bid to dismiss Vhong Navarro’s illegal detention case vs Cedric Lee
News Philippines today at https://philtoday.info/