Vhong Navarro refuses to enter plea in rape case filed by Deniece Cornejo

Hindi natuloy ang inaasahang face-off nina Vhong Navarro at Deniece Cornejo sa arraignment ng actor-TV host sa Taguig Regional Trial Court Branch 69 ngayong Martes ng hapon, October 11, 2022.

Pinayagan ng korte si Vhong na dumalo sa pagbabasa ng sakdal na rape sa kanya sa pamamagitan ng video conferencing.

Read: Taguig court orders arrest of Vhong Navarro for rape; no bail recommended

Ninais din sana ng kampo ni Deniece na dumalo ito via video conference ngunit hindi siya pinayagan ng korte.

Pero hindi rin nakadalo nang personal sa hearing ang dating modelo, ayon sa ulat ng News5.

Parehong dumalo sa korte ang mga abogado ng dalawa: si Atty. Alma Mallonga sa panig ni Vhong at si Atty. Howard Calleja sa panig ni Deniece.

Hindi naghain ng plea si Vhong matapos basahan ng sakdal kaya ang korte ang nag-enter ng not guilty plea para sa It’s Showtime host.

Ayon kay Atty. Mallonga, base sa ulat ng PTV4, “For the reasons stated in our petition for review, which I will not discuss, we thought it more prudent to not to allow Mr. Vhong Navarro to enter a plea.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Under the rules, therefore, the court entered a plea of not guilty for him, yun ang nangyari.”

Kasalukuyang nakapiit si Vhong sa National Bureau of Investigation detention facility mula pa noong September 19, matapos ang magkasunod na paglabas ng warrants of arrest laban sa kanya mula sa dalawang korte ng Taguig City.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vhong Navarro detained at NBI after voluntary surrendering in rape case

Ang unang warrant of arrest na inilabas ng Metropolitan Trial Court, Branch 116 ay may kaugnayan sa acts of lasciviousness case na inihain ni Deniece.

Read: Vhong Navarro voluntarily surrenders, posts bail for acts of lasciviousness case

Kinahapunan noong araw ring iyon, naglabas ng warrant of arrest ang Taguig Regional Trial Court Branch 69 kaugnay naman ng rape case na inihain pa rin ni Deniece.

Dahil non-bailable ang kasong rape, kailangang ipasok sa selda si Vhong.

Sa Huwebes, October 13, itinakda ang bail hearing ng korte.

Read: A timeline: Vhong Navarro vs Cedric Lee, Deniece Cornejo legal battle

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Bitcoin, Altcoins bounce bank. How high can they go?
Next post Why have the entire EU banned David Icke? | Hear David’s reaction here