
Veteran TV and movie actress Flora Gasser passes away
Pumanaw ang beteranang comedienne na si Flora Gasser noong Sabado, November 19, 2022.
Siya ay 89.
Ang malungkot na balitang ito ay inanunsiyo ng apo niyang si Valerie Ocampo sa pamamagitan ng Facebook noong Linggo, November 20.
Pagbabahagi niya: “Our Lola, Flora Gasser, passed away yesterday and is now with the Lord and with our Lolo Harry.
“Her wake will be at Room 304, St. Peter’s Chapel Commonwealth, QC. Viewing will start today (Nov 20, 2022) at 3pm onwards until Nov 22, 2022.
“Thank you for your condolences.”
Si Flora ang asawa ng beteranong newscaster na si Harry Gasser na pumanaw noong April 2014.
Read: Veteran broadcaster Harry Gasser passes away
Si Flora, na isinilang noong 1932, ay nagsimula sa mundo ng showbiz noong 1979.
Sa mahigit apat na dekada niyang pagiging aktibo bilang artista ay nakagawa siya ng lampas 100 pelikula at pati na mga teleserye.
Madalas siyang gumanap bilang kasambahay o yaya, at nakilala bilang isang komedyana.
NOOD KA MUNA!
News Philippines today at https://philtoday.info/