Veteran director Romy Suzara dies at 84

Pumanaw ang veteran director na si Romy V. Suzara nitong Lunes, August 22, 2022.

Siya ay 84.

Dahil sa personal na dahilan, si Senator Bong Revilla at hindi ang mga kamag-anak ni Suzara ang isa sa mga nag-anunsiyo tungkol sa pagkamatay ng beteranong direktor, na may makulay na buhay gaya ng mga pelikulang ginawa niya.

Mensahe ni Senator Bong sa kanyang Facebook post kahapon:

“It is with heavy heart to announce the passing of one of the Philippine movie industry’s most prolific and seasoned filmmakers – Direk Romy Suzara.

“Nakakalungkot at napakasakit po na isa na naman sa mga malalapit sa atin sa industriya ang namaalam.

“Bakas na iiwan ni Direk Romy ang ‘di matatawarang dedikasyon sa sining ng paggawa ng mga pelikula at pagturing na pamilya sa amin sa industriya. Being part of his film, ‘Pag-Ibig Ko Sa Iyo’y Totoo,’ is one of my most humbling and worthy experiences in the span of my career as an actor.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Thank you, Direk Romy, for sharing your life, passion, and excellence with us. Ang iyong talento at pagmamahal sa industriya ng Pelikulang Pilipino ay hinding-hindi namin malilimutan. Rest in God’s loving embrace. Until we meet again.”

Nakatrabaho ni Suzara si Bong sa Pag-Ibig Ko Sa Iyo’y Totoo (1997).

Si Suzara ay itinanghal na best director sa FAP Awards ng Film Academy of the Philippines noong 1982 para sa Mga Uod at Rosas, ang pelikulang pinagbidahan nina Nora Aunor, Johnny Delgado, at Lorna Tolentino.

mga uod at rosas

Nagkaroon din si Suzara ng best director nomination mula sa Gawad Urian noong 1982 para sa Pepeng Shotgun, na binigyang-buhay ng namayapang aktor na si Rudy Fernandez, at sa FAMAS Awards noong 1981 para sa Pag-Ibig Na Walang Dangal, ang pelikulang pinangunahan nina Charo Santos, Dindo Fernando, at Chanda Romero.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Si Suzara ang paboritong direktor ni Rudy kaya maraming pelikula silang ginawa tulad ng Babalik Ka Rin, Lagalag: The Eddie Fernandez Story, Somewhere, Ginto’t Pilak, Bingbong: The Vincent Crisologo Story, Laban Kung Laban, Guillermo Soliman, Vigilante, Salonga, Sa Init ng Apoy, at Idol.

pepeng shotgun

Marami rin siyang pelikulang ginawa na si Vilma Santos ang bida gaya ng Tatlong Mukha Ni Rosa Vilma, Anak ng Asuang, Vilma and the Beep Beep Minica, at Medalyang Ginto.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Siya rin ang direktor ng Star Cinema movies na Sarah… Ang Munting Prinsesa, Cedie, at Kokey, pati na ng Sunday morning mass na napapanood noon sa ABS-CBN.

sarah... ang munting prinsesa

Nakatakdang iburol ang mga labi ni Suzara sa St. Peter Memorial Chapels sa Quezon Avenue, Quezon City, pero hindi pa tiyak kung kailan dahil sa mga requirement na kailangang ibigay ng kanyang naulilang pamilya.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Debunked: The MPs’ Covid ‘report’
Next post Driverless cars guided by satellites coming to streets near you