Veteran actress Gina Pareño proud member of LGBTQ community: “Oo, bakit? May problema?”

Inamin ni Gina Pareño, 75, na isa siyang miyembro ng LGBTQ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community.

Bago umamin, natanong muna si Gina tungkol sa espesyal na tao sa kanyang buhay na sumakabilang-buhay na.

Tinukoy niya ito bilang si “Doktora Bong,” at kalaunan ay tuluyan na niyang pinangalanan — si Nenita Vidal, dating aktres noong dekada ’50.

nenita vidal

Left: ’50s actress Nenita Vidal; right: Nenita (center) with Luisa Montes and Lita Gutierrez in Phone Pal

Nag-open up si Gina sa vlog ng entertainment columnist at talent manager na si Ogie Diaz ngayong Lunes, July 18, 2022.

Ibinahagi ni Ogie na maraming beses silang nagkasama ni Gina sa mga taping. Sa mga taping na iyon ay dala-dala raw ni Gina ang urn kung saan naroon ang abo ni Dra. Bong.

Ayon kay Ogie, proud na ipinapakita ni Gina sa mga katrabaho ang urn at kung kaninong abo ang laman nito.

“Marami akong utang na loob doon,” emosyonal na sabi ni Gina tungkol kay Dra. Bong.

Banggit pa niya, “Nasa kuwarto ko pa rin yung urn niya.”

gina pareno

Usisa ni Ogie: bakit ayaw i-let go ni Gina dati si Dra. Bong?

“Hindi naman sa ayaw kong i-let go,” katuwiran ni Gina.

“Ang dami kong utang na loob doon, ‘tsaka mabait sa akin. Tinuturuan ako, ine-educate niya ako.”

Paano sila nagkakilala ni Dra. Bong.

“Dati siyang artista, e, si Nenita Vidal,” sagot ni Gina.

“Napapanood pala niya ako. So, gusto na niya ang arte ko, ganun-ganun, naging close ako sa kanya.”

Bakit ganoon kalalim ang utang na loob ni Gina kay Dra. Bong?

“Tinuruan niya ako kung paano kumilos, lahat. Tapos yun nga, ibinigay niya sa akin yung naiwan niyang bahay.

“Mahal na mahal ako nun,” emosyunal na kuwento ni Gina.

Ayon pa sa beteranang aktres, malaking bahagi ng kanyang pagbabago si Dra. Bong.

“Unang-una, in-educate niya ako pati yung sa mga drugs-drugs, pati sa pagkilos ko. Daming bagay…

“Ang dami kong utang na loob sa kanya,” giit muli ni Gina.

Continue reading below ↓

Si Gina ay dating nalulong sa ipinagbabawal na gamot, pero napagtagumpayan niya ito sa pamamagitan ng pagpapa-rehab sa tulong ng malalapit na tao.

Natawa pa nga si Gina nang sabihing maaaring naisip ng iba na “naloloka” na siya dahil bitbit niya ang urn ni Dra. Bong.

Sabi naman ni Gina, naniniwala siyang lucky charm niya ang pumanaw na Dra. Bong.

“Kaya mo bang aminin na miyembro ka ng LGTBQ?” diretsong tanong ni Ogie.

“Oo,” mabilis na sagot ni Gina.

“Oo, bakit? May problema?” dagdag ng aktres na sinundan ng pagtawa nila ni Ogie.

Ayon kay Gina, minahal niya nang tapat si Dra. Bong.

Ngayon daw ay sarado na ang kanyang puso sa panibagong pag-ibig.

“Ay, wala na, pack up na ako diyan. Wala na po,” sabi ng veteran actress.

GINA MISSES ACTING

Sa kabilang banda, emosyunal din si Gina sa pagsasabing nami-miss niya ang pag-arte.

Nawalan daw siya ng proyekto dahil sa pandemya. Iniingatan din daw siya ng kanyang dalawang anak na sina Raquel at Michael.

Continue reading below ↓

Bukod sa walang masyadong acting projects, may pag-aatubili ang kanyang mga anak na bumalik siya sa trabaho dahil may pandemya pa.

Pero nakikiusap si Gina dahil “gutom na gutom” na siya sa pag-arte.

“Gustung-gusto ko pa hong umarte. Sana makasama ko kayong muli. Sana mabigyan ako ng role.

“Nakakalungkot parang wala nang nagmamahal sa akin. Hindi ako nakakaarte, e,” hinaing ni Gina.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Three Disinformation Strikes For Rowlatt, the BBC’s Climate Activist-in-Residence
Next post The Dot-Connector Compilation