
Valeen Montenegro now engaged to non-showbiz boyfriend Riel Manuel
Engaged na ang Kapuso actress na si Valeen Montenegro, 32, sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Riel Manuel.
Kahapon, November 27, 2022, ibinahagi ni Valeen sa Instagram ang ilang larawan na kuha mula sa engagement proposal ng boyfriend sa isang makahoy na lugar.
Naganap ang proposal noong Huwebes, November 24.
Sa caption, sinabi ng Bubble Gang star na ito ang pinakamadali niyang pag-oo.
Ang inakala raw niyang simpleng araw lang ay magiging paboritong araw pala niya.
Mensahe ni Valeen, “Easiest YES!!! What seemed to be an ordinary Thursday, unexpectedly turned into my favorite day. [heart emoji]
“Ladies and Gentlemen.. my Beyoncé! [ring emoji]
“Special thanks to @mchlgonzales for capturing this moment. We will cherish you forever”
View this post on Instagram
Bumaha naman ng pagbati mula sa mga kaibigang artista ni Valeen sa comments section.
Ilan sa kanila ay sina Kyline Alcantara, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Rodjun Cruz, Chito Miranda, Glaiza de Castro, at Carla Abellana.
Bumati rin sa kanila sina Pokwang, Thea Tolentino, Yasmien Kurdi, Sam YG, at Melissa Gohing.
Pati na sina Ritz Azul, Regine Tolentino, Kitkat, Tuesday Vargas, Barbie Forteza, Kim Molina, Arny Ross, Jak Roberto, at Ashley Ortega.
NOOD KA MUNA!
Base sa naunang panayam kay Valeen sa Updated with Nelson Canlas podcast, nasa advertising industry ang kanyang boyfriend noon, na fiancé na niya ngayon.
Saad niya, “Sa mga hindi nakakaalam, ang aking boyfriend ay isang DOP, director of photography sa advertising world. Meron kaming baby dog. Baby dog.”
Biro pa niya noon, naghihintay na lamang siya kung kailan magpo-propose si Riel sa kanya.
Saad nito, “So parang nandoon na, pa-climb na kayo ng stairs na alam niyo kung saan din naman papunta. So I’m waiting, charot. Waiting.”
Bago ito, ang huling napabalitang boyfriend ni Valeen ay si Selu Lozano, isang Filipino-Spanish trainer and football player.
Read: Valeen Montenegro says relationship with non-showbiz BF unaffected by previous third-party issue
News Philippines today at https://philtoday.info/