
Tony Labrusca admits he still gets affected by persistent rumors about his sexuality
Binigyang-linaw ni Tony Labrusca ang nakaraang mga isyu sa kanya, kabilang na ang pagkukuwestiyon sa kanyang pagkalalake at pagkakaugnay niya sa kapwa aktor.
Sa panayam ni Ogie Diaz na lumabas sa YouTube noong Sabado, November 26, 2022, naitanong kay Tony ang tungkol sa mga guwapo o magagandang lalake sa showbiz na kadalasan ay pinagdududahan ang sekswalidad.
Marami ang ganitong haka-haka sa mga artistang guwapo pero nananatiling single o walang napapabalitang nali-link na babae.
Pag-amin ni Tony, 27, naaapektuhan siya sa isyung ito.
Saad niya, “For a long time or actually even ’til now, minsan naapektuhan ako.
“Pero, wala na kasi akong magagawa doon. Hindi ko na dapat yun problema, e. Alam mo yun?
“But that’s just my opinion. Alam ko, lot of people have different opinions… pero I can’t change the way people see me, e.
“I only have control over how I treat people and on my actions.”
THE AIRPORT INCIDENT
Kasunod nito ay naungkat ang infamous airport incident na kinasangkutan ni Tony noong January 2019.
Read: Tony Labrusca in hot water after alleged shouting, cursing incident with immigration officers
Kasabay nito ay pinagdudahang may namamagitan sa kanila ng aktor ding si Alex Diaz dahil magkasama silang bumiyahe mula Canada pabalik ng Pilipinas.
Read: Angel Jones reacts to son Tony Labrusca’s alleged romantic involvement with a guy
Sa buong pag-uusap nina Tony at Ogie ay hindi nila binanggit ang pangalan ni Alex, ngunit naka-insert ang mga larawan nina Tony at Alex at mga news article tungkol sa kontrobersiya.
Natatawang saad ni Tony tungkol dito: “Akala kasi nila yung kasama ko is jowa ko, di ba?
“Pero sa totoo lang, ako kasi taga-Vancouver, yung kasama ko taga-Alberta.
“The only flight that brings you back to Manila is from Vancouver.
“Yung tao na ‘to, best friend ko siya. So, sabi namin, ‘O sige, ano,’ mag-bungee jumping kami sa Whistler, sabay na kami tapos sabay na rin kami uuwi.”
Pagdating sa Pilipinas, magkahiwalay raw silang pumila sa immigration.
Lahad ng aktor, “Pag-uwi namin, e, hindi nga ako Pinoy passport [holder], nandito ako sa U.S. side, dun siya sa Pinoy side.
“Tapos ang dami ko na lang narinig na, kun nga, kasama ko daw jowa ko, inaawat ako.
“Magka-holding hands daw kami dun. Alam mo yun? Paano?
“Hindi nga ako Pinoy [passport holder], hindi ako returning citizen, so andun ako sa kabila.
“Paano kami maghu-holding hands? Paano niya ako inaawat dun, hindi naman ako nagsisigaw sa gitna ng airport?”
Ang tinutukoy na “inaawat” ni Tony ay ang insidente kung saan nagwala umano siya sa immigration dahil hindi nilagyan ng stamp ang kanyang passport.
Read: Tony Labrusca, binalikan ang Immigration incident na nagpabago sa kanyang pagkatao
Dagdag pa niya, “Ang dami kong nakikitang video sa YouTube, ayun, mag-dyowa daw kami, nakita daw kami sa airport.
“Nung pinanood ko, wala naman. Alam mo yun? So, wala na akong magagawa dun.”
Read: Tony Labrusca addresses gay rumors head on: “I don’t identify myself as homosexual.”
JUNKED, withdrawn COMPLAINTS
June 4, 2021, sabay na naghain ng hiwalay na reklamo sa Makati Prosecutor’s Office ang isang female complainant pati na ang jeweler na si Dennis Ibay laban kay Tony.
NOOD KA MUNA!
Nagsampa si Dennis ng reklamong aggravated slight physical injury, habang ang female complainant ay reklamong dalawang bilang ng acts of lasciviousness.
Read: Makati City Prosecutor’s Office finds probable cause on acts of lasciviousness complaint vs Tony Labrusca
Pareho na itong ibinasura ng korte.
Read: Tony Labrusca opens up about withdrawn acts of lasciviousness case against him: “Ang daming nanghusga sa akin.”
Usisa ni Ogie kay Tony: nambastos ba talaga siya ng babae?
Sagot ni Tony, “Yun nga yung nakakatawa, di ba, kung may issue sa akin na bakla ako, lahat maniniwala.
“Tapos kung may issue naman ako na nambabastos ng babae, biglang lahat ng tao naniniwala din na totoo yung balita.
“So, parang, hindi ako mananalo kahit saan, di ba?”
Bakit nabasura ang mga reklamong isinampa laban sa kanya?
Ayon kay Tony, “Hindi kasi naging consistent yung mga story and hindi strong enough yung evidence na binibigay.
“Dun ko din na-realize na, alam mo, lahat tayo dapat meron tayong konting knowledge din pala sa law.”
News Philippines today at https://philtoday.info/