Toni Gonzaga, Mariel Rodriguez open up about their feud in 2010

Binalikan nina Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez ang naging hidwaan nila higit isang dekada na ang nakalilipas.

Matatandaang inamin ni Toni sa publiko ang naging hidwaan nila ni Mariel noong 2010.

Ani Toni, nakarating sa kanyang bina-badmouth umano siya ni Mariel sa ibang tao, dahilan para magalit si Toni at magkalamat ang kanilang pagkakaibigan.

Sina Toni at Mariel ay dating ABS-CBN talents na nagkasama nang matagal sa iba’t ibang TV program as hosts, katulad ng Pinoy Big Brother.

Sa YouTube vlog ni Mariel nitong October 6, 2022, inalala nila ni Toni ang naging away nila.

Napag-usapan nila nito nang magbalik-tanaw sila gamit ang kanilang throwback photos.

Ipinakita ni Mariel ang behind-the-scene photo kasama sina Toni, John Estrada, at Randy Santiago.

Nagkasama ang apat sa dating Kapamilya noontime show na Happy Yipee Yehey! noong 2011.

Sa larawan, makikitang hindi masaya ang mga mukha nina Toni at Mariel.

Inamin ni Mariel na kinunan ang photo shoot na iyon sa kasagsagan ng kanilang hidwaan.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Tingnan mo naman kaming dalawa dito, o! Halata ba na may hidwaan kami dito?” biro ni Mariel.

“May conflict. Parang walang makakapagsabi,” sundot ng natatawang si Toni.

toni gonzaga mariel padilla

Katuwiran ni Mariel, “Kasama yun doon sa friendship talaga.”

Segunda ni Toni: “Kailangan niyong pagdaanan iyon.

“Pag hindi kayo dumaan sa ganoon, hindi kayo friends. Hindi totoo ang friendship niyo.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

THE FEUD OF TONI AND MARIEL

Bahagya ring tinalakay ni Mariel kung ano ang pinag-awayan nila noon ni Toni.

Sabi ni Mariel, may kinalaman dito ang pride at “payabangan.”

Aniya, “Yung mga faults na hindi mo inaamin noon na, ‘No!’

“Ngayon, parang, ‘Oo nga, nagkulang ako noon. Kulang ako noon. Ako yung may mali doon.’”

Segunda ni Toni, “Mali ko iyon… ako yung may pagkakamali noon.’”

Pero nung mga panahong iyon ay pareho silang naging mapagmataas.

Ani Mariel, “Pero nung mga time na iyon, alam mo yung payabangan kayo na kasalanan ng isa.”

FRIENDSHIP RESTORED

Ipinakita rin ni Mariel ang ilang larawan kung kailan sila muling nagkapatawaran ni Toni at muling nanumbalik ang kanilang pagkakaibigan.

Sabi ni Mariel, “Ang daming pinagdaanan ng friendship and we’re here now and we’re still friends.”

Inihalintulad ni Mariel ang pagkakaibigan nila ni Toni sa iba pang relasyon.

Sabi niya, “Paang marriage, di ba? Yung marriage, the more na meron kayong pinagdadaanan, mas lalong tumitibay.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako, actually, I am grateful for this time because mas nati-treasure ko yung ngayon.”

Pagsang-ayon ni Toni, “Talaga. Nakilala nang mas mabuti, mas nakilala mo rin yung sarili mo nang mas mabuti.”

Magkasama ngayon sina Toni at Mariel sa bagong TV station na ALLTV.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post ‘We’re NEVER Getting Back to Normal’ – and you never will Australia while you allow imbeciles like this to tell you what to do
Next post BTC mining difficulties may be a good-thing for mining company