Tom Rodriguez tells followers to refrain from mentioning Carla Abellana’s name on his IG account

Nakiusap si Tom Rodriguez sa kanyang followers sa Instagram na tigilan na ang pagbanggit ng pangalan ng estranged wife niyang si Carla Abellana.

Noong Linggo, October 23, 2022, nag-post si Tom ng short Reel sa kanyang account kung saan makikita siyang chill lang habang nasa loob ng sasakyan.

Sabi niya sa caption, “Vegas dust storm vibes [smiley emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)

Sa comments section ng kanyang post ay bumuhos ang mga komentong “Happy first wedding anniversary.”

October 23, 2022 ang petsa ng unang anibersaryo sana ng kasal nina Tom at Carla.

Ikinasal ang long-time couple sa isang simbahan sa San Juan, Batangas noong October 23, 2021.

Read: Tom Rodriguez and Carla Abellana are now married

Sa dami ng komento, may isang netizen ang sinagot ni Tom.

Ayon sa netizen, sana raw, kahit magkalayo sila ay iisa pa rin ang espiritung namamayani sa kanilang dalawa.

Naniniwala pa rin daw ang netizen na mayroong “happy ending” ang kuwento nina Tom at Carla, na kung tawagin ng kanilang mga tagahanga ay TomCar.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Buong komento ng netizen: “Though far from each other but hope and pray that your spirit is still ONE…….stay safe and surround your self with good people who will lead you to the right path and of course, GOD as the centerof your life.

“GOD loves you and so is Carla who loves you. Happy 1st wedding anniversary…there is a happy ending”

Sa sagot ni Tom, masasabing ayaw na niyang marinig o mabasa pa ang pangalan ng asawa sa kanyang account.

Naghiwalay na raw kasi sila at bumabaybay na sa hiwalay nilang landas.

Tugon ni Tom: “wag na po natin ibanggit ang name dito sa page ko. Thank you. We are no [l]onger together and are moving onto own paths. [praying hands emoji]”

Tom Rodriguez replies to netizen about estranged wife Carla Abellana

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“REFRAIN FROM SPEAKING ABOUT OTHERS”

Sa kasunod niyang post noon ding araw na iyon, makikita pa ring ini-enjoy ni Tom ang Las Vegas, Nevada habang nagda-drive siya sa lugar.

Wala siyang caption dito.

View this post on Instagram

A post shared by Tom Rodriguez (@akosimangtomas)

Sa comments section, buhos pa rin ang anniversary messages dito.

Nagkomento muli ang netizen na sinagot ni Tom sa nauna niyang post.

Sabi nito, ipinagdadasal niya ang healing ng dating magkarelasyon.

Sana raw ay naiisip pa ni Tom ang kanilang marriage vows.

Read: Carla Abellana, Tom Rodriguez get emotional delivering their wedding vows

Buong komento nito: “Praying for continuous healing of your heart, mind and spirit and same with Carla as this is your 1st wedding anniversary and always be reminded of your wedding vows.

“Don’t get too distracted of the evils around esp. in that sin city where you are now. GOD loves you and there is Carla who loves you [five hearts emojis]”

Tugon ni Tom, “I really do appreciate you well wishes, but might I kindly ask if we can refrain from speaking about others on my IG page [praying hands emojis]”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Tom Rodriguez replies to netizen about estranged wife Carla Abellana

Posibleng kakilala ni Tom ang nasabing Instagram user dahil sa dinami-dami ng nagkomento rito, ito lang ang kanyang sinasagot.

THE BREAKUP

Ikinagulat ng karamihan ang biglaang hiwalayan nina Tom at Carla noong January 2022, tatlong buwan lamang mula nang ikasal sila noong October 2021.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-ugat ang hiwalayan ng dalawa dahil sa diumano’y infidelity ni Tom, ayon sa ama ni Carla na si Rey “PJ” Abellana.

Ayon kay Rey, si Tom mismo ang nagkuwento sa kanyang natukso ito minsan at napasok sa isang one-night stand situation.

Read: Rey PJ Abellana speaks up on Carla Abellana-Tom Rodriguez marital issue; says Tom had a “one-night stand”

Dagdag pa ng beteranong aktor, hindi ito matanggap ni Carla kaya nakipaghiwalay ito sa asawa.

Kasunod na lumutang ay ang balitang nagpapahanda na umano si Carla ng mga papeles para sa annulment of marriage na maaari nitong isampa sa korte upang mapawalang-bisa na ang kanilang kasal ni Tom.

Read: Tom Rodriguez posts cryptic photo amid annulment rumor with wife Carla Abellana

Pero hindi raw makapagsalita si Tom tungkol sa kanyang panig sa kuwento dahil sa gag order na umiiral na hiniling ng kampo ni Carla sa husgado.

Read: Tom Rodriguez reveals “gag order” prevents him from speaking his truth

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Noong nakaraang June 16, ginulat ni Carla ang maraming netizens sa kanyang mga pasabog laban sa estranged husband.

Sa isang mahabang komento nito sa isang YouTube vlog niya, inilabas ni Carla ang kinikimkim na galit laban kay Tom sa loob ng pitong taong pagsasama nila bilang magkasintahan hanggang sa sila ay magpakasal.

“No comment” naman ang simpleng tugon ng kampo ni Tom sa mga ibinunyag ng nakahiwalayang asawa.

Read: Carla Abellana finally breaks silence on split with Tom Rodriguez: “I was disrespected. I was betrayed. I was lied to.”

Hindi na makikita ang pahayag ni Carla kinabukasan, June 17, dahil naka-turn off na ang comments section ng vlogs ng aktres.

Read: Carla Abellana turns off comments section of YouTube vlog after dropping bombs against Tom Rodriguez

Sa parehong araw, si Tom naman ang naglabas ng kanyang pahayag ukol sa hiwalayan.

Dito ay sinabi ng aktor na sinukuan ni Carla ang kanilang pagsasama sa kabila ng kanyang “efforts.” Hindi na raw nadaan sa maayos na usapan ang kanilang gusot.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Silang dalawa lamang daw ng estranged wife ang nakakaalam ng katotohanan.

Read: Tom Rodriguez finally speaks up on split with Carla Abellana; reveals he is already divorced

Nitong nakaraang October 1, sa kanyang ika-35 kaarawan, ang wish daw ni Tom sa sarili ay mabuo siyang muli.

Saad niya,“Right now, gusto kong buuin yung sarili ko. Ini-enjoy ko ‘tong… na binubuo ko yung sarili ko.

“And yet I’m not stopping or closing my doors to anything, experiences, or anyone here. So, I’m just enjoying. Enjoying my life.”

Read: Tom Rodriguez’s wish on 35th birthday: “Gusto kong buuin yung sarili ko.”

Sa ngayon, kanya-kanya na sila nang pinagkakaabalahan.

Si Tom ay abala sa personal appearances at pagkanta sa ilang events sa Amerika, at ang estranged wife niyang si Carla ay nakatutok naman sa ipinapatayo nitong bahay.

Read: Tom Rodriguez at Carla Abellana, patuloy ang pagharap sa buhay pagkatapos maghiwalay

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Russia to Pay Out 7.8 Billion Rubles in Bonuses to Doctors for Each Person They Vaccinate
Next post Twitter’s potential collapse could wipe out vast records of recent human history