Tim Connor reacts to “rubbish accusations” against him and Maggie Wilson

Pumalag si Tim Connor, 34, sa pagkakadawit niya sa kontrobersiya sa pagitan ng estranged couple na sina Maggie Wilson, 33, at Victor Consunji, 43.

Si Tim ay isang Thai-British entrepreneur na malapit kay Maggie.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, nagpahiwatig si Tim na walang dahilan para sagutin niya ang mga basurang akusasyong ibinabato sa kanya.

Nagpahiwatig din siya na tila wala pa siyang natatanggap ng kopya ng pormal na reklamo sa ngayon.

Bahagi ng pahayag ni Tim: “For everyone looking for a reaction or an interview from me…

“You won’t get one.

“I don’t stoop so low as to answer complete and utter rubbish accusations out of anger that hold no water.

“(Unless I am required to do so by law of enforcement of that country).”

Umaasa rin si Tim na madaan sa respetuhan at maayos na usapan kung anuman ang isyu ng estranged couple na sina Victor at Maggie.

Continue reading below ↓

“I hope for their Son Connor’s sake, all issues between Victor & Maggie get resolved peacefully as soon as possible.

“This is not a circus; this is people’s family lives,” pakiusap niya.

Tim Connor, Maggie Wilson, Victor Consunji

VICTOR SLAPS ADULTERY CASE VERSUS MAGGIE AND TIM

Inakusahan ni Victor si Maggie ng alegasyong adultery dahil sa pakikipagrelasyon umano nito kay Tim.

Continue reading below ↓

Pormal na nagsampa ng reklamo si Victor sa Taguig Prosecutor’s Office laban kina Maggie at Tim, at umakyat iyon sa kaso, base sa resolusyon na nailathala sa mga pahayagan at online news sites noong Biyernes, July 15, 2022.

Sa information na isinumite ng piskalya sa Metropolitan Trial Court, nakasaad na sinira umano ni Maggie ang pagsasama nila ni Victor nang makiapid ang dating beauty queen kay Tim.

Nagkaroon daw ng preliminary investigation ukol dito, at napag-alaman ng piskalya na may “reasonable ground to believe that the crime has been committed and that the accused is probably guilty thereof.”

May tatlong bilang ng kasong adultery na isinampa kina Maggie at Tim, para sa diumano’y mga insidente noong “December 2021, January 2022, at February 2022.”

Natanggap ng Taguig Metropolitan Trial Court ang impormasyon mula sa piskalya noong July 11, 2022.

May ipinataw na bail na PHP36,000 kada bilang ng kasong adultery na kinahaharap nina Tim at Victor.

Continue reading below ↓

MAGGIE AND VICTOR’S SEPARATION

Noong September 2021, inanunsiyo ni Maggie ang hiwalayan nila ni Victor matapos ang 11 taong pagsasama bilang mag-asawa.

Sinabi noon ni Maggie na mutual ang decision nila ni Victor, at nais nilang magkaroon ng maayos na co-parenting setup sa ngalan ng kanilang anak na si Connor.

READ: Maggie Wilson, Victor Consunji announce separation

Pero hindi naglaon, may mga paisa-isang cryptic post si Maggie tungkol sa di nila pagkakasunduan ni Victor pagdating sa karapatan ng dating beauty queen na makita ang anak.

READ: Maggie Wilson alludes to conflict with estranged husband Victor Consunji

May malamang mensahe rin si Maggie sa masalimuot umanong dinanas niya sa huling tatlong taon ng pagsasama nila ni Victor at pati iyong tatlong buwan matapos ang kanilang hiwalayan.

Wala raw iyon kinalaman sa third party, at kung ano man ang isyu niya na di niya masabi ay mayroon daw siyang pinanghahawakang mga “resibo” o ebidensiya.

Continue reading below ↓

READ: Maggie Wilson alludes to “strong reasons” for separation from husband Victor Consunji

WHAT HAPPENED AT MAGGIE’S TAGUIG HOME

Hanggang sa nito ngang July 15, 2022, sinubukang paalisin si Maggie sa tirahan niya sa Taguig City.

Pero wala roon si Maggie, at ang tanging naabutan ng tauhan ni Victor ay ang kapatid ni Maggie na si Beth Wilson.

Nanindigan naman si Maggie na may karapatan siyang manirahan doon.

Idinaan din ni Maggie sa matalinhagang excerpt mula sa Philippine Commission on Women na ang kasong adultery ay sinasampa raw sa isang complainant para magamit sa “bargaining suits” sa legal battle ng isang estranged couple.

READ: Maggie Wilson defies Victor Consunji; not moving out of “conjugal property”

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post David Icke at 70 – The Vindication
Next post Welcome to the United Free Press (UFP)