Throwback photos ni Alma Moreno, “highly collectible” sa mga tito

Patok sa netizens, partikular sa mga tito, ang mga larawan ni Alma Moreno na naka-post sa isang Facebook page na nagpi-feature ng mga alaala ng nakalipas na panahon sa Pilipinas.

Ayon sa nag-post, 16 years old pa lang si Alma sa naturang larawan.

Old photo of Alma Moreno

Komento ng netizens, napakaganda ng aktres.

Napag-usapan din na walang retoke sa kanyang mukha noon.

May nagbanggit pa na naisulat noon sa mga artikulo na si Alma ang klase ng artista na kahit bagong gising at hindi lagyan ng makeup ay talagang maganda.

Hindi rin umano nakakasawang pagmasdan ang kagandahan nito, na napakainosente ng dating.

Napansin din na may hawig sila ni Liza Soberano.

Old photo of Alma Moreno

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon naman sa isang vintage collector and seller na nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na ayaw nang magpabanggit ng pangalan, mabenta ang mga lumang magasin na may pictures ni Alma.

“Lalo na kung nasa cover siya at sexy ang pictorial,” ayon sa vintage collector and seller. “Ito yung mga panahon na kaseksihan at kagandahan pa niya.”

Naibahagi niya na marami siyang koleksyon noon ng komiks at magasin na naka-feature si Alma.

“May naging buyer ako na seaman na sobrang fan niya, pinakyaw yung koleksyon ko.

“Crush siguro niya noong kabataan niya. Wala raw pelikula ni Alma na nakalampas sa kanya noon.”

Old photo of Alma Moreno

Binanggit din niya na hanggang ngayon ay napakaraming naghahanap ng old photos ni Alma. “Kahit taasan mo ang presyo talagang bibilhin.

“I-post mo lang na for sale, ang daming mag-i-inquire agad.”

Natatawang sambit pa niya, “Lalo yung mga tito na at may pera, binibili talaga. Highly collectible, lalo na kung mint condition.”

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

Sixty-three years old na ngayon si Alma.

Old photo of Alma Moreno

Unang siyang nakilala noong 1975 sa pelikulang Ligaw na Bulaklak, na sinundan ng Eva Fonda, 16.

Marami siyang nagawang pelikula sa bakuran ng Regal Films gaya ng Paraisong Parisukat, Nympha, Abandonada, at City After Dark.

Naging tampok din siya sa TV show na Loveliness noong kalagitnaan ng dekada 80.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post There is unease in royal circles that [Cult-owned] Charles’ meeting with [Cult-owned] Ursula von der Leyen may lead to a growing politicisation of the monarchy (That ship sailed long ago)
Next post Fascist New South Wales Premier Gladys Berejiklian Telling The Truth For Once – Thanks To A Lot of Help