
Sylvia Sanchez posts family bonding photo with daughter Ria Atayde’s rumored boyfriend Zanjoe Marudo
Welcome sa pamilya ni Ria Atayde, 30, ang rumored boyfriend nitong si Zanjoe Marudo, 40.
Linggo ng gabi, November 20, 2022, nagbahagi si Sylvia Sanchez ng ilang larawang kuha sa Kyusiklaban Distrito Uno 2022 – Music Festival noong Sabado, November 19, sa may FPJ Avenue (formerly Roosevelt Avenue) mula sa Pitimini Street hanggang Del Monte Avenue sa Quezon City.
Ang event na ito ay handog ng aktor at Quezon City first district Congressman Arjo Atayde sa kanyang mga kadistrito upang palaganapin ang kaalaman ng mga kabataan sa Original Pilipino Music (OPM).
Si Arjo ang vice chairman ng Creative Industry and Performing Arts Committee sa 19th Congress.
Sa post ni Sylvia, makikitang at home na at home si Zanjoe sa pamilya ni Ria dahil magkasama silang kumain sa tent sa likod ng stage.
Bukod kay Sylvia at mga anak na sina Arjo at Ria, kasama rin nila ang asawa ng beteranang aktres na si Art Atayde, at ang dalawa pa nilang mga anak na sina Xavi at Gela.
Caption ni Sylvia sa post, “Thank u for spending time with us Z. I’m looking forward to know you more [hearts emojis]”
Sinamahan niya ito ng mga hashtag na “#family #happiness #happyfamily #happyparents #thankuLORD”
NOOD KA MUNA!
Sa isang larawan, makikitang nakayakap pa si Zanjoe mula sa likuran ni Ria.
Noong October 11, 2022, si Sylvia mismo ang nagbuking na nagdi-date ang anak niyang si Ria at si Zanjoe, base sa panyam ng TV5 showbiz news anchor and reporter na si MJ Marfori at ilang reporters.
Saad niya, “Nung huling sabi sa akin ni Ria, dating, pero hindi pa sila.
“Kaya natatawa ako sa mga lumalabas na buntis, nagpakasal…
“Hello? Ako po una makakaalam. Ako po ang nanay. Hindi kayo na nagbi-video, nagba-vlog diyan. Bago kayo, ako.”
Read: Zanjoe Marudo and Ria Atayde are dating, Sylvia Sanchez reveals
Una nang nabanggit ni Sylvia ang tungkol kina Ria at Zanjoe sa Korina Interviews noong October 9, 2022.
Ibinahagi ni Sylvia na binisita niya si Ria, at doon sinabi ng dalaga ang tungkol kay Zanjoe.
Lahad niya, “Ang huli naming pagkikita ni Ria, nag-usap kami. Kasi hiwalay na kami ng bahay, e. Solo na siya. Sinabi niya, hindi pa raw [official relationship].
“Pero nagliligawan, parang nagpaparamdaman, e, ganun. Hindi ko masabi na oo talaga, kasi wala pang pag-amin, e. Wala pa talaga.”
Read: Sylvia Sanchez, nagbigay ng update sa Ria-Zanjoe romance at Arjo-Maine engagement
News Philippines today at https://philtoday.info/