Supreme Court Justice takes a swipe at “insensitive” kanto-themed party; Donnalyn Bartolome defends self

Pinuna ni Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen ang kanto-themed birthday party ng hindi niya pinangalanang tao sa kanyang tweet kahapon, August 17, 2022.

Wala mang binanggit na pangalan, malaki ang posibilidad na ang pinatatamaang niya ay ang vlogger at singer na si Donnalyn Bartolome, na kamakailan lamang ay nagdaos ng ganitong pagtitipon para sa kanyang kaarawan.

Lumikha ng ingay ang payanig ni Donnalyn dahil may netizens na nagsabing “poverty-porn” daw ang content na in-upload nito sa kanyang vlog.

Sa selebrasyon ni Donnalyn sa mismong kaarawan niya noong July 11—na in-upload niya sa YouTube noong August 11—muling sinariwa ni Donnalyn ang mga bagay-bagay noong walang-wala pa siya.

Ilan sa mga pinagsaluhan nila sa kanyang kanto-themed birthday ay lumpia, isaw, kwek-kwek, betamax (pork blood), mani, at balut.

Ang kanya namang cake ay sinaing na may tutong.

Ilan sa mga inumin nila ay gin, beer, brandy, at rhum.

Read: Donnalyn Bartolome marks 28th birthday with kanto-themed party

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa tweet ni Justice Leonon kahapon, pinasaringan nito ang “lavish kanto themed party” ng hindi niya tinukoy na tao.

Ayon kay Leonen, “insensitive” ito dahil hindi dapat ipagdiwang ng mga mayayaman ang kahirapan. Bagkus, dapat humanap ng kaparaanan ang mga ito para makatulong.

Buong tweet ng Mahistrado: “Instead of pretending to be poor through a lavish kanto themed party, why not understand what it is to be poor and find ways and means to assist.

“To be poor is not something to celebrate by the rich.

“It is insensitive.

“Just saying.”

Justice Marvic Leonen takes a swipe at kanto themed party

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Burado na sa timeline ni Justice Leonen ang kanyang tweet.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naghayag ng kanyang pananaw si Leonen sa mga kaganapan sa showbiz.

Noong August 2019, nagpahayag din siya ng maikli ngunit malamang komento sa kontrobersiyang kinasangkutan nina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto.

Read: Supreme Court Justice asks Bea Alonzo, Julia Barretto: “Is he really worth it?”

“MY LIFE BEFORE FAME”

August 16 pa lang, may depensa na si Donnalyn sa kanyang naging selebrasyon na hindi nagustuhan ng iba.

Ito raw kasi ang kanyang naranasang buhay noong hindi pa siya kilala.

Diin pa ni Donnalyn, wala siyang inapakang tao. At base sa mga nababasa niya, may mga na-inspire daw siya para magsumikap din sa buhay.

Itinuturing din niya ang selebrasyon para sa kanyang ika-28 kaarawan na “best birthday of mine so far.”

Post niya, “My life before fame at di ko ikakahiya [heart emoji] salamat sa mga tropa kong napatawa ako sa meme cake kong tutong dahil mahilig ako sa extra rice.. wag niyo isipin napahamak niyo ako, wala naman tayong tinapakang tao.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa dami nang tumapos nung video, nakita ko sa comments madami tayong na-inspire na taong magsumikap after they saw my old pictures sa kanto at nung sinabi ko yung secret to success at the end of the video. Wala akong regrets. BEST BIRTHDAY OF MINE SO FAR!!

“25 days to edit. 8 editors including myself, 9 cameras, 8-10 hours of footage edited down to 33 minutes para sa video na may puso.

“We reached 5.2 Million Views in 5 days!! [crying emoji]

“Thank you Oomph TV fam and thanks to all my kind hearted kapwa kanto peeps for defending me. I feel God’s love and promises through you.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kahapon, muli rin dinepensahan ni Donnalyn ang sarili pati na ang mga taong nakasama niya mula noong walang-wala pa siya.

Sabi niya, “REAL LIFE PEOPLE BEFORE FAME. Kulang pa yung nasa pictures pero sila yung—

“Bumili ng ticket sa mall shows

“Nandun sa premiere nights ng movies ko

“Nag share ng vlogs ko

“Nagshare ng music videos ko

“Bumili ng products na binebenta ko..

“Nagdala ng pagkain saakin nung nagtitipid ako 9years ago.

“Nakipagaway sa comment section ng mga nagkakalat ng fake news para ipagtanggol ako.

“Umiyak nung umiyak ako

“At mas naging masaya nung masaya ako.”

May pahaging naman si Donnalyn sa mga taong nagsasabing nakalimot na siya sa kanila ngayong nasa itaas na siya.

Aniya, “Wala akong problema about old people in my life na hindi gumawa para saakin nito, I still cherish the times we had together, pero pass sa mga taong sisiraan ka porket di sila nageffort maging parte ng buhay mo at ngayong tapos na yung hirap, dun mo sila mararamdaman.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“May nakita akong nagmessage saakin nakalimot daw ako, pagscroll ko sa feed niya ilang years na lumipas napunta na yata ako ng 2016 kakascroll ni isang support saakin wala, tapos maninira pa.

“Time reveals your true friends. Pay attention!

“Minsan sa critical time kapa sisiraan.

“Some people take steps.. some people slither. [snake emoji]”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pinuntirya rin ng ilang netizens si Donnalyn noon ang kanyang birthday photo shoot kung saan umakto siyang “sexy baby.”

Read: Donnalyn Bartolome apologizes for baby-themed photo shoot

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post Germany Hits Wall Of Reality, Reconnects First Coal Power Plant To Energy Grid
Next post Ciara Sotto pens sweet birthday message to her “hero and first love” Tito Sotto