
Snooky Serna recollects confronting an actress who offended her
Ikinuwento ni Snooky Serna kung paano niya “nasopla” ang nakatrabahong aktres dahil sa hindi magandang ipinakita nito sa veteran actress.
Sabi ni Snooky, nangyari ito nang gumawa siya ng isang acting project sa GMA-7.
Ibinahagi ni Snooky ang karanasan niyang ito sa kanyang November 19, 2022 vlog kasama ang kaibigan na si Maricel Soriano.
Read: Snooky Serna recalls with regret giving up this iconic role: “Sana ako si Madam Claudia.”
Napag-usapan ng dalawang seasoned actresses kung ano ang gagawin nila kapag may bida-bidang artista sa set.
Unang nagkuwento si Maricel na sinabing “sosoplahin” o babarahin niya kapag may ganitong artistang nakasama sa set.
At saka tinanong ng Diamond Star kung naranasan na ni Snooky ang manopla.
“Ako, artista pa nga ito…” simula ni Snooky.
“May ginawa akong show sa Kapuso network, na parang nung una nagpapaka-Miss Friendship ako sa kanya, Miss Congeniality.
“Friendly naman ako. Although hindi naman ako perfect… pero friendly naman. I’m trying to be a good person.”
Pakiramdam daw ni Snooky ay nababastos siya kapag kinakausap siya ng aktres na ito.
“Long story short, e, parang napapansin ko na parang nilalanggo-langgo ako.
“Yung parang kausap ko, ‘Ha? Ha? Ha? Uh, what? What?’ ginaganoon ako. Parang bastusan…”
Hindi lang daw ito ang ikinainis ni Snooky.
“’Tapos pagka nagti-take kami, parang wala siyang effort to support.
“Di ba [pag magkaeksena] siyempre, support-support tayo niyan, e.”
Sabat ni Maricel, “Sana sinampal mo.”
Sagot ni Snooky, “Hindi ko naman sinampal, pero nasopla ko for the first time in my life.
“Hindi ako proud. Pero nasopla ko yung artistang iyon.”
SNOOKY CALLS THE ACTRESS’S ATTENTION
Nang makakita raw ng pagkakataon si Snooky, sinabihan niya ang aktres na tinutukoy niya.
“Talagang sabi ko, ‘Can I talk to you?’
“Tapos sabi niya, ‘Ah, okay, sige,’ nag-aano pa naman kami, rehearsal.
“’Tapos, ayun, kinausap ko siya. Nag-sorry naman.”
Hindi na nagdetalye kung ano ang mga sinabi ni Snooky sa aktres, pero pakiramdam daw niya ay sumama ang loob nito sa kanya.
Sabi ni Snooky, “’Tapos, ang ending naman nito maganda, kasi she was humble enough naman na nag-sorry siya sa akin.
“’Tapos di kami friends. I know, siguro meron pa siyang sama ng loob sa akin, but I hope and pray na sana nakita niya rin ang point ko.
“Ako naman, I forgave her na.”
Hindi pinangalanan ni Snooky kung sino ang aktres at kung anong TV show ang pinagsamahan nila.
Kabilang sa recent Kapuso teleserye na ginawa ni Snooky ay ang mga sumusunod: Anak ni Waray vs. Anak ni Biday (2020-2021), Sahaya (2019), Pamilya Roces (2018), The One That Got Away (2018), Hahamakin ang Lahat (2016-2017), at Sinungaling Mong Puso (2016).
Lumabas din siya sa ilang episodes ng mga drama anthology na Magpakailanman, Tadhana, Stories From The Heart, at Regal Studio Presents.
NOOD KA MUNA!
News Philippines today at https://philtoday.info/