Sharon Cuneta still grieving over Cherie Gil’s death: “I feel like about half of me is missing.”

Nagdadalamhati pa rin si Sharon Cuneta sa pagpanaw ng kanyang matalik na kaibigang si Cherie Gil.

Binawian ng buhay si Cherie dahil sa endometrial cancer noong August 5, 2022. Siya ay 59.

Kahapon, Martes, August 23, 2022, nag-post si Sharon sa Instagram ng throwback picture nila ni Cherie, kalakip ang mensahe ng kanyang pangungulila para sa yumaong aktres.

Sabi ni Sharon: “Wherever I go…you are with me…No DORINA without LAVINIA.

“I feel like about half of me is missing…I really miss you.

“18 days now and it’s like I lost you just yesterday.”

Dagdag pa niya, “My Chichi…I will love you always.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ni Sharon na “DORINA” at “LAVINIA” ay ang mga karakter nila ni Cherie sa 1985 movie na Bituing Walang Ningning.

Sa pelikulang ito binitawan ni Cherie bilang Lavinia ang iconic movie line na “You’re nothing but a second-rate trying hard copycat!”

Read: Cherie Gil more than just a “La Primera Contravida”

Read: Sharon Cuneta sits by bedside of Cherie Gil at her last moments

Noong August 21, 2022, binigyan ng tribute si Cherie sa ASAP Natin ‘To, kung saan emosyunal na kinanta ni Sharon ang theme song ng kanilang pelikulang Bituing Walang Ningning kasama sina Regine Velasquez at Zsa Zsa Padilla.

Ayon kay Sharon, simula elementarya ay magkaibigan na sila ni Cherie, at noon pa man ay hinahangaan na niya ito dahil sa pagiging mabuting tao at husay sa pag-arte.

Maaaring ang iba raw ay hindi maiintindihan ang sakit na kanyang nararamdaman dahil simula bata sila ni Cherie ay magkasama na sila at marami nang alaalang nabuo nila.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Saad ng Megastar, “I feel like half of my history has been erased and also big part of my heart has died, because we love each other so much.”

READ MORE:

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post ‘Covid’ Injection Aftermath: Study finds 94% of Fake Vaccine Recipients have Pre-Blood Clot Formations and Foreign Particles
Next post The Great Collapse is underway: Navy ready to boot sailors who refuse jab; federal workers, soldiers file class-action suit against Biden admin, supply lines teetering on the brink