
Sharon Cuneta still cannot retire even if she wants to: “Too many obligations pa.”
Nakatanggap ng samut-saring reaksiyon ang recent post ni Sharon Cuneta, 56, na gusto na niyang magretiro dahil “tired” at “exhausted” na siya.
Ayaw na raw niyang magpakapagod sa trabaho at gagawa na lang ng proyekto kapag may oras siya.
“All I wish I could do is be with my family and take care of them. And do all those other things I always wish I could do but just couldn’t find the time for,” bahagi ng post ni Sharon.
Read: Sharon Cuneta mulls retirement anew: “I AM tired…”
Pero hindi ito ang unang beses na nag-post si Sharon at nagsabing gusto na niyang magretiro mula sa showbiz.
Bukod sa recent “retirement is calling” post niya, may post din siya noong 2015, 2019, at 2020 at nagpahayag na hangad na niyang magretiro.
Related articles:
Pero bakit nga ba sa kabila nito, hindi maisakatuparan ng actress/host/singer ang inaasam-asam niyang pagre-retire?
NETIZENS REACT TO SHARON’S LATEST POST ABOUT RETIRING
Iba-iba ang pagtanggap ng netizens sa Instagram post ni Sharon ukol sa showbiz retirement.
May supporters siyang malulungkot daw kapag nagretiro si Sharon.
Ang ibang fans, susuportahan ang kanilang idolo kung ano ang nasa puso niya.
May kritiko naman na pinuna si Sharon at sinabing ilang beses na itong sinasabi ni Sharon pero hindi naman ginagawa.
NOOD KA MUNA!
Pero may ilan ang sinagot ni Sharon at ipinahiwatig ang dahilan kung bakit hindi pa siya makapagretiro kahit gusto niya.
Nagkomento sa post ng Megastar ang kapwa artistang si Arlene Muhlach.
Ani Arlene: “Exactly what I want at 54. Thing is, I can’t yet because kids are both still in school”
Pagsang-ayon ni Sharon: “@arlenemuhlach I really feel you. Same.”
Sinagot din ni Sharon ang isang fan at nabanggit kung bakit hindi niya basta-basta magawa ang hinahangad na pag-iwan sa showbiz.
Bahagi ng mensahe ng supporter: “We do understand that you have worked hard all your life and deserve to take it east.”
Rebelasyon ni Sharon: “Wanna rest na so bad but too many obligations pa…”
Samantala, pinasalamatan naman ni Sharon ang kanyang fans na nauunawaan siya at magiging masaya para sa anumang magiging desisyon niya.
News Philippines today at https://philtoday.info/