Sharon Cuneta reconciles with husband Kiko Pangilinan after six-month long LQ

Si Sharon Cuneta, 56, na mismo ang nagbunyag na muntik na silang maghiwalay ng asawang si dating Senador Kiko Pangilinan, 59.

Ginawa ng Megastar ang pag-amin sa sunud-sunod na posts niya sa Instagram at Facebook noong Sabado ng gabi, November 19, 2022.

Ayon kay Sharon, anim na buwan silang hindi nagkita o nag-usap ng asawa.

Nagkaayos lamang sila sa selebrasyon ng debut ni Yohan Agoncillo, panganay na anak ng kaibigan ni Sharon na si Judy Ann Santos at asawa nitong si Ryan Agoncillo.

Read: Celebrities spotted at Yohan Agoncillo’s 18th birthday party

Ayon pa sa kanya, nagsimula ang kanilang tampuhan noong July habang nasa Amerika ang singer-actress, kasama si Regine Velasquez, para sa Iconic concert tour.

Pag-amin pa ni Sharon, sa vlogs na inilabas nila ni Kiko sa YouTube channel ng actress-singer, kung saan nagbakasyon silang pamilya sa South Korea, ay hindi sila magkatabi.

Sabi niya sa unang post: “Bati na kami today after pagkahaba habang LQ mula pa nung nasa U.S. kami ni Nana @reginevalcasid !!! [laughing in tears emojis]

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya sa lahat ng Korea vlogs ko sa YouTube di kami halos magtabi! [laughing in tears emojis]”

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Sa kasunod niyang post, mukhang nilalambing siya ni Kiko.

Sa larawan, makikitang hinalikan ng asawa ang bandang likuran ng balikat ni Sharon.

Saad niya, “[laughing in tears emojis] Sige pagbutihan mo naybor para Sutart ka na ulit after 6 months! [heart emoji]”

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Ayon pa kay Sharon, akala niya ay single na siya pagpasok ng bagong taon.

“Kala ko single na ako uli next year. Ayan buti bati na. [laughing in tears, hearts emojis] @ryan_agoncillo @officialjuday #yohanation”

View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Pagsisiwalat ni Sharon sa huli niyang post, nagkaroon sila ng anim na buwang hindi pagkakaunawaan at inakala niya ay mauwi na ito sa hiwalayan.

Caption ni Sharon: “Reunited after a 6-month long L.Q. which we thought would lead to a separation…[praying hands, hearts emojis] @ryan_agoncillo @officialjuday #yohanation”

Hindi binanggit ni Sharon kung ano ang pinag-ugatan ng kanilang tampuhan.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!
View this post on Instagram

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta)

Ilang beses nang napabalitang muntikan nang maghiwalay sina Sharon at Kiko.

2008 pa lang ay may balita na ukol sa diumano’y hindi pagkakaintindihan ng dalawa.

Oktubre ng taong iyon, napabalitang biglaan daw umalis si Sharon sa kanilang bahay papuntang Hong Kong kasama ang mga anak na sina Frankie at Miel at mga yaya nito.

May lumabas pang issue na may “financial problem” diumano sa pagitan ng mag-asawa.

Read: FIRST READ ON PEP: Close friends of Sharon Cuneta and Sen. Kiko Pangilinan deny separation rumor

May mga ganito ring balita noong taong 2016, 2017, at 2018 pero lumalabas na panay alingasngas lamang ang mga ito.

May 2021, itinanggi naman ni Sharon ang balitang sinasaktan diumano siya ng asawa kaya siya umipad patungong Los Angeles, California.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Sharon Cuneta on allegation that Sen. Kiko Pangilinan hit her: “Ang OA ng istorya!”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post The Pentagon Creates Road Map For ‘Zero Trust’ Internet Access By 2027
Next post Psychopath dictator Zelensky hails psychopath Johnson for rallying West against Russia as moron MPs and peers gather to pay homage to a monster destroying his people for the Cult in pursuit of World War III