Sharon Cuneta knows shopping at Hermès boutique is by appointment, but “nagbakasakali lang”

Alam ng singer-actress na si Sharon Cuneta na ang pagtungo sa isang Hermès boutique ay nangangailangan ng appointment.

Pero, nagbakasakali lamang daw siya dahil nandoon na siya sa lugar.

Read: Sharon Cuneta snubbed at Hermès store in South Korea

Ito ang inamin ni Sharon base sa sagot niya sa isang komento sa kanyang Instagram.

Sabi ng isang netizen, “You must have an appointment before going to Hermes store.

“That’s how unique is the store [grinning face with smiling eyes emoji]”

Tugon ng Kapamilya star, alam daw niya ito pero nasa lugar na siya kaya sinubukan niya ang kanyang suwerte kung papasukin siya.

Aniya, “Yes I know. Just took a chance since I was there already. [smiling face with smiling eyes emoji]”

Sharon Cuneta Hermes store appointment

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi naman nagpapigil sa shopping si Sharon dahil nakahanap siya agad ng option.

Biro ng isang netizen, “Salamat, Hermes! Keep it up.

“Nagmamahal,

“LV”

Ang tinutukoy ng netizen ay ang mamahaling brand din na Louis Vuitton kung saan doon na lang nag-shopping si Sharon matapos siyang hindi makapasok sa Hermès.

Natatawang sagot ni Sharon, “Ahahahahahahahahahaha! Di naman anak ganon talaga policy nagbakasakali lang nanay! [laughing, hearts emoji]”

Sharon Cuneta Hermes store appointment

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

SHARON NO ILL WILL AGAINST LUXURY STORE SNUB

Matatandaang sa isang vlog ni Sharon ay ikinuwento niyang hindi siya pinapasok sa luxury brand na Hermès sa Seoul, South Korea kamakailan lamang.

Nais lamang daw niyang bumili ng sinturon doon kaso hindi siya pinagbigyang makapamili.

By appointment kasi ang patakaran ng nasabing brand kaya hindi siya pinagbigyan.

Ayon pa sa kanyang post sa Instagram noong October 1, 2022, huwag sanang masamain ng kanyang mga tagahanga ang ginawa ng mga tauhan ng Hermès dahil sumunod lamang ito sa kanilang panuntunan.

Aniya, bunsod na rin ng protocol kaugnay sa COVID-19 kaya limitado lamang ang makakapasok sa boutique bawat araw.

Bahagi pa ng post niya, “P.S. Don’t feel bad about Hermès not letting me in! Lots, if not all name—brand stores even in the U.S. allow a certain number of people in at a time—sometimes 10 lang, while the others wait in line outside of the store.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“Lots also ask you to make an appointment. Covid measures nila yan so okay lang. Sayang lang talaga belt lang naman ang balak ko eh kaya ayoko pumapasok sa ibang stores na di ko plano puntahan ang dami kong nakikita eh!”

Read: Sharon Cuneta clarifies luxury store ‘snub’; explains strict Covid-19 protocol

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Deafening Silences: propaganda through censorship, smearing and coercion
Next post New Study finds 1 in every 99 ‘Covid’ Fake-Vaccinated Children require Emergency Care or Hospitalisation