Sharon Cuneta answers “feeling entitled, hypocrite” accusations over issue on luxury brand

Dumepensa si Sharon Cuneta kasunod ng hindi magagandang paratang ng ilang netizens kaugnay ng karanasan niya sa isang outlet ng French luxury design house sa South Korea.

Ang ilang netizens, tinawag na “feeling entitled” at “hypocrite” ang Megastar dahil hindi siya pinapasok sa Hermès outlet sa Seoul nang mamasyal doon ang pamilya ng singer-actress.

Pinag-usapan nang husto ang eksena sa YouTube vlog ni Sharon na ipinost niya noong September 30, 2022.

Nagtungo ang grupo nina Sharon sa Shinsegae Department Store sa Seoul.

Nagbaka-sakali ang Megastar na pumasok sa Hermès boutique para bumili sana ng sinturon, subalit hindi raw siya pinapasok.

Ang ending, sa kilalang brand na Louis Vuitton nauwi si Sharon at bumili ng maraming items.

Saad ni Sharon, “Nagpunta ako dito para lang bumili ng sinturon sa Hermès, ayaw akong papasukin.”

Muling dumaan si Sharon sa Hermès boutique at maririnig siyang sinabihan ang empleyado doon na tumangging papasukin si Sharon noong una.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Sharon sa lalaki, “No more. I buy everything,” sabay turo sa mga bags ng mga pinamili.

Read: Sharon Cuneta knows shopping at Hermès boutique is by appointment, but “nagbakasakali lang”

CRITICS REPRIMAND SHARON

Nakisimpatya kay Sharon ang kanyang supporters. Pero ang ibang netizens, kinastigo si Sharon.

Sa post ni Sharon, ipinaliwanag niyang nauunawaan niyang may policy ang store pagdating sa customers.

Isang netizen na nagkomento at nagpaliwanag kung paano ang protocol sa naturang boutique ng kilalang brand.

Sinabi ng netizen na “by appointment” ang pagpasok sa store.

“After registering for appointment, they will text you when your slot is open na para you don’t need to line outside,” sabi ng netizen.

Kinokontrol ang bilang ng customers sa loob ng store at bawat customer ay i-a-assist ng available sales person.

Tugma ang paliwanag na ito sa iba pa batay sa karanasan nila sa high-end store.

Sa isang interview sa staff member ng Hermès sa Seoul, sinabi nitong parte ito ng COVID-19 measure.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi nagpapigil ang ibang netizens na ilabas ang kanilang saloobin ukol sa pangyayari.

Pinuri ng isang netizen ang Hermès staff ipinatupad ang protocol kahit si Megastar ang kaharap nito.

Patutsada nito kay Sharon (published as is): “Dinadahilan Belt lang ang bilhin ngunit paglabas… Alam na [face emojis with dollar tongues emojis] sus! Huwag tayong maging hypocrite.”

Sinagot ito ni Sharon at sinabing may personal assistant siya na bumibili sa kanya ng mga gamit mula sa Hermès.

“Belt lang talaga ang balak ko kasi pumayat ako at gusto ko sukatin,” sagot ng Megastar.

“ALL my Hermes stuff was bought for me by my personal shoppers.

“You cannot walk into any of their stores expecting to leave with a Birkin or a Kelly.

“Unless you have an SA [shopping assistant] friend which I do in Rodeo Drive who shows you stuff in the back.”

Buwelta pa ni Sharon, “Judgmental na naman. Dami ko nga nabili sa LV tapos hypocrite? Haaayyyy mema lang”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

sharon cuneta comment

Komento naman ng isa, nagulat daw siya na hindi alam ni Sharon na “by appointment” ang Hermès.

Paliwanag naman ni Sharon, may taga-shop kasi siya ng branded items.

Sabi ng Megastar (published as is): “Because actually, I rarely do my shopping myself. I have a shoppers, one of whom is based in Milan, and they send me photos of whatever is new and after choosing, they do the shopping for me.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“And yes, as I explained in the P.S. [post script of her post] in my caption, I know about the lines and appointments and all.”

Katuwiran ni Sharon, nagbaka-sakali lang siya na mapapapasok, gaya ng nangyari sa Louis Vuitton shop.

“Sometimes lang you are there na and take a chance like I did at LV so I was let in.”

sharon cuneta comment

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hirit ng isa pang kritiko (published as is): “Kahit VIP nga need mag pa register and maghintay pra makapasok. Sya pa kaya?

“Feeling entitled. Kahit mga Koreans VIP nga dito naghihintay eh.”

Sumagot si Sharon at sinabing sinagot na niya ang isyung ito sa kanyang post at reply sa isang netizen.

Giit ni Sharon, alam niya ang protocol pero sinubukan na rin kung makakapasok siya tutal naroon na rin siya.

comment

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

sharon cuneta comment

Komento ng isang supporter ni Sharon, dapat mag-sorry ang luxury brand kay Sharon at i-demote ang staff member na hindi nagpapasok kay Sharon.

Pero ayaw naman ng Megastar na palakihin ang issue.

Sagot ni Sharon: “No need! There are rules and I just took a chance naman.

“Feeling ko nga baka may VVIP doon that time siguro.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Buwelta naman ng isang netizen sa netizen na gustong i-demote ang empleyado: “policy is policy! Public apology ka dyan si megastar mismo alam ang policy.

“IpapaDemote mo ang guard nakakaloka ka”

sharon cuneta comment

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Concentration camp survivor Vera Sharav describes the parallels between Nazi Germany and the ‘Covid’ era
Next post Synthetic Salvation: On Genomics, Mind Uploads, and the Quest for Immortality