
Sharon Cuneta addresses Hermès-store controversy: “Hindi naman ako bobo.”
Isa-isang sinagot ni Sharon Cuneta, 56, ang mga isyung ipinukol sa kanya kaugnay ng hindi pagpapapasok sa kanya sa isang luxury brand boutique sa South Korea.
Pinag-usapan ang vlog ng Megastar, na in-upload niya noong September 30, 2022, tungkol sa kanyang South Korea trip kasama ang pamilya noong August 2022.
Umingay nang husto ang parte ng video kung saan makikita si Sharon na hindi pinayagang makapasok ng security guard sa Hermès boutique sa Shinsegae Department Store sa Seoul.
Read: Sharon Cuneta snubbed at Hermès store in South Korea
Sa video, nakalagay pa ang mga katagang “turned away at the Hermès store,” kaya triggered ang fans ni Sharon dahil na-discriminate umano ang actress/singer/TV host.
Pero may policy ang store na “waiting system” dahil sa pandemic.
Nagsanga-sanga ang isyu. Nagalit ang supporters ni Sharon lalo na sa security guard kahit ginagawa lamang nito ang kanyang trabaho.
Ang mga kritiko naman, humirit na may protocol sa store na kailangang sundin at walang exemption kahit na artista pa.
SHARON ADDRESSES THE ISSUE
Bagamat una nang nagpaliwanag si Sharon sa kanyang social media posts noong kasagsagan ng isyu, muli niya itong sinagot sa kanyang October 26, 2022 vlog.
Paliwanag ni Sharon, hindi siya nagalit na hindi siya pinapasok sa luxury shop.
“I know, of course, I know that you need an appointment with an Hermès boutique before you can go…”
Giit niya, nagbakasakali lang siyang mapapasok at makabili ng sinturon.
“Because usually, pag konti lang naman ang clients sa loob, yung shoppers, sometimes they let you in…”
Sabi pa ng Megastar, “Because I really, truthfully, do not need anything more from Hermès that I don’t already have.
“So, hindi po ako na-offend. Naintindihan ko agad yung guard.
“Wala namang kinalaman yung guard, bakit naman sasama ang loob ko?”
Itinanggi rin ni Sharon na nagyabang siya nang bumalik siya kung saan naroroon ang security guard sa Hermès at ipinakita ang kanyang mga pinamili sa Louis Vuitton.
Sabi ni Sharon “Hindi rin ako nagyabang. Kaya sabi ko, ‘Yes, I cannot go [inside]. Look, I bought everything.’ Ginanun ko lang siya, pero nakangiti ako.”
Ipinagtanggol din ni Sharon ang isiningit na Pretty Woman video clip sa kanyang pinag-usapang vlog.
Ito yung eksena kung saan ang character ni Julia Roberts ay binalikan ang attendant sa luxury boutique na minaliit siya, ipinakita ang mga pinamiling branded items at sinabihan ang attendant ng ‘Big mistake! Big mistake.’”
Pagtatanggol ni Sharon, “Isiningit ng editor ng vlog ang scene sa Pretty Woman. Sa mga Sharonian po, nakyutan sila doon and it was not meant to offend anyone…”
NOT EXPECTING VIP TREATMENT
Itinanggi ni Sharon ang paratang na naghahangad siya ng VIP treatment sa Hermès boutique sa Seoul.
Aware naman daw siyang hindi siya kilala sa South Korea.
“Kung meron hong may alam noon, walang iba kundi ako.
“Siyempre ako ang unang-unang may alam. Na hindi naman po ako bobo.
“Siyempre, alam ko na wala namang may kilala sa akin sa Korea, kundi Pinoy din.
“So, parang why will you expect VIP treatment from… first of all, I’m not the type, okay?
“I just like fair treatment. Ayoko ng injustice. Ayoko ng kaya hindi ka pinapapasok kasi may discrimination.”
Giit ni Sharon, “Wala po akong sama ng loob sa Hermès, at lalong hindi ako nagwala sa galit kaya ako nag-shopping sa Louis Vuitton.”
Pakiusap ng Megastar: “Let’s forget about that na. Nakakahiya naman.
“Wag na nating silang istorbohin, di ko alam kung bakit lumaki iyon.”
Read:
News Philippines today at https://philtoday.info/