Seth Fedelin reveals apologizing to Francine Diaz for being dragged into his personal issue

Hindi lang kay Andrea Brillantes humingi ng paumanhin si Seth Fedelin kundi maging sa bagong ka-love team na si Francine Diaz.

Si Andrea ay dating ka-love team at ex-girlfriend ni Seth.

Lumikha ng kontrobersiya ang pagpapatutsada ni Andrea kina Seth at Francine nang kumalat sa social media ang litrato ng pagdalaw ni Seth sa bahay ni Francine noong Enero 2022.

Noong April 2022, isiniwalat ni Andrea na lihim silang naging magkasintahan ni Seth, at ito ang dahilan kung bakit hindi niya maiwasang maapektuhan nang makita niya si Seth kasama si Francine.

Hindi maiwasang madismaya ang ina ni Francine dahil “nadadamay” raw si Francine sa mga isyu ni Andrea gayong nananahimik ang anak.

Ayon kay Seth, inihingi niya ng tawad kina Andrea at Francine na nadamay pa ang ibang tao sa isyung dapat sana ay sa pagitan lang nina Seth at Andrea.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Seth sa celebrity screening ng Lyric and Beat kagabi, July 18, 2022, na ginanap sa Cinema 1 ng TriNoMa Mall sa Quezon City.

Continue reading below ↓

“Nag-sorry ako. Pero alam mo yun, na hindi lang ako sa kanya [Andrea] nag-sorry, nag-sorry ako sa lahat ng taong nadamay.

“Gusto ko ring i-clarify dito na nag-sorry ako kay Francine kasi may mga nadamay.

“Alam namin ang totoo and walang may kasalanan sa nangyari,” ani Seth.

Umapela rin si Seth na tigilan ng bashers sina Andrea at Francine.

Pahayag niya: “Sa lahat na lang—di lang SethDrea or FranSeth fans—siguro sa lahat ng tao, tama na po yung issue.

“Kasi yung dalawa pong babae, wala pong kasalanan. May mga nababasa akong hate comments about kay Blythe [palayaw ni Andrea], hindi po totoo. May nababasa akong hate comments kay Francine, hindi rin po totoo.

“Hindi niyo po alam ang totoo, so lubayan ninyo na po sila. Mga babae po ang mga yun.

“Rumespeto po kayo sa mga babae, dahil pag hindi niyo nirerespeto ang mga babae, hindi niyo rin nirerespeto ang nanay niyo. Yun na lang ang isipin niyo.”

Continue reading below ↓

Nauwi man sa breakup ang dalawang taong relasyon nila ni Andrea, nilinaw ni Seth na napanatili nila ang pagkakaibigan at pagiging propesyonal pagdating sa trabaho.

Co-stars sina Andrea at Seth sa Lyric and Beat, isang musical series na eere sa iWant TFC simula sa August 10, 2022.

Diin ni Seth sa breakup nila ni Andrea, “Ang masasabi ko dun, nakakalungkot. Yun lang ang masasabi ko.

“Friendship? Kaya nga natapos namin yung Lyric And Beat kasi professional kami, friends.

“Kaya natapos namin yung series, wala sa amin yung ganun. Kasi pagdating sa trabaho, trabaho.”

ON FRANSETH

Nang tanungin ng PEP.ph kung may espesyal na relasyon sa pagitan nila ni Francine, paglilinaw ni Seth,Magkaibigan kami ni Francine. Ligawan? Wala.”

Sa ngayon, masaya si Seth sa mga trabahong ipinagkakatiwala sa kanya ng Kapamilya Channel.

Isa na rito ang Dirty Linen, ang upcoming series na pagtatambalan nina Francine at Seth, o kilala sa uniname na FranSeth.

Continue reading below ↓

“Siguro naka-focus lang ako sa nararamdaman ko sa trabaho ko. Gusto ko lang sabihin na kung anuman yung mga kaganapan, trabaho, nagtatrabaho ako.

“Basta ngayon, ang ipa-priority ko, FranSeth.”

Papuri pa niya kay Francine, “Sobrang saya, magaang katrabaho si Francine.

“At marami kaming plano sa amin, na hopefully mag-work siya para din sa mga taong nagmamahal sa amin. Ayun, excited na kami sa Dirty Linen.”

ON SETHDREA

Kahit hiwalay na sa totoong buhay,panay ang tilian ng mga tagahanga nina Seth at Andrea na nanood ng premiere night ng Lyric and Beat.

Reaksiyon ni Seth, “Siyempre happy, kasi hanggang ngayon nandiyan pa rin sila. Hanggang ngayon patuloy pa rin nila kaming minamahal na dalawa.

“Gusto ko ring pasalamat siyempre ang Brillance kasi nandiyan sila and nire-recognize pa rin nila ako.

“Naririnig ko yung tuwa nila kapag kaming dalawa ni Blythe ang nasa eksena, salamat po sa inyo.”

May tsansa kayang magkapareha sila muli ni Andrea sa isang proyekto lalo’t may hukbo na rin ng tagahanga ang tambalang SethDrea?

Continue reading below ↓

Sagot ni Seth: “Nakakahinayang, pero ngayon ang masasagot ko lang siguro magpo-focus ako sa kung ano ang gagawin ko.

“Which is alam natin yun na binigyan ako ng trabaho ulit—yung Dirty Linen.

“Pero kung tatanungin ako, ang liit lang ng mundo namin. Di natin alam, baka after ng ilang taon magkasama uli kami.

“Pero sa ngayon, ang pina-priority ko, yung mga pinaghahandaan ko ay yung mga bago kong papatunayan na naman.”

Sa kabilang banda, marami ang nagulat na marunong palang kumanta si Seth, na gumanap bilang Beat sa Lyric And Beat.

Lubos ang saya ng young actor na paunti-unti ay naipapakita na nito ang iba pa niyang talento.

“Sobrang proud kasi may naipakita pa ako na kaya kong gawin, like kumanta at sumayaw. Sa sayaw, kailangan pa nating paghirapan nang doble yun,” saad ni Seth.

“Sobra akong kinabahan, sobra akong na-pressure, pero sa tulong ng mga kasama ko, especially Jeremy and Darren, tinulungan ako sa pagsayaw at pagkanta.

Continue reading below ↓

“Proud ako na sila ang mga kasama ko,” ani Seth.

Ang iba pang cast members ng Lyric and Beat ay sina Darren Espanto, Kyle Echarri, AC Bonifacio, Jeremy G, Awra Briguela, Angela Ken, atSheena Belarmino.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post “You’ll own nothing, because you can’t afford to, but you’ll be happy because the state has kept you safe from whatever they told you to be frightened of that day”
Next post ‘Covid-19’ Deaths are rising across Canada and the Fully Vaccinated account for 4 in every 5 of them