Senator Koko Pimentel distances self from ex-wife Jewel May Lobaton after her arrest

Dumistansiya si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa balitang pagkakaaresto ng ex-wife nitong si dating Bb. Pilipinas-Universe 1998 Jewel May Lobaton.

Ayon sa mga lumabas na ulat, sa Laoag, Ilocos Norte naaresto si Jewel dahil sa kinakaharap nitong kasong may kaugnayan sa paglabag sa Article 315 ng Revised Penal Code o estafa.

Jewel May Lobaton mug shot

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga ulat na lumabas, laging nakadikit ang pangalan ng senador sa dating asawa.

Dahil dito, nanawagan si Senator Pimentel sa lahat ng media practitioners na huwag nang banggitin ang kanyang pangalan sa mga ilalabas na balita ukol kay Jewel.

Matagal na raw kasing napawalang-bisa ang kanilang kasal ng korte.

Wala na rin daw karapatan si Jewel na idagdag pa ang kanyang apelyido sa pangalan nito.

Buong tweet ni Senator Pimentel ngayong Huwebes, October 13, 2022: “Calling on all media practiotioners to desist from mentioning me or the Pimentel name in connection w/ news about the arrest of Jewel Lobaton.

“The marriage has long been dissolved/declared null & void by the court & by the church.”

“Meaning, Jewel Lobaton has no right to use the surname Pimentel.”

January 2018 nang ma-grant ang annulment na kasal nina Senator Pimentel at Jewel matapos silang opisyal na maghiwalay noong 2012.

Read: Jewel May Lobaton issues statement about separation from husband Senator Koko Pimentel

Mayroon silang dalawang anak na lalaki.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sa huling panayam kay Jewel na lumabas sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong December 2020, sinabi nitong nangungulila siya sa mga anak dahil matagal na raw niyang nakikita ang mga ito.

Sabi niya, “I am very inspired for the children that I have. Hindi ko pa rin nakikita.

“But I hope one day, as I do this forward, I would be able to reach them. So, yun.”

Read: Former beauty queen Jewel May Lobaton still longing for her sons with ex-husband Senator Koko Pimentel

Pagkatapos nilang maghiwalay ay pinakasalan ni Senator Pimentel si Kathryna Yu noong October 2018.

Read: Sen. Koko Pimentel weds chef Kathryna Yu

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Australia – Children denied care & discharged from mental health ward to make room for ‘Covid-19’ patients; but just 0.01% of the population is currently hospitalised with ‘Covid-19’ (diagnosed with ‘Covid-19’ after testing positive with a test not testing for it)
Next post The Smart Money Nightmare: What Life Without Cash Could Mean for You