San Juan Mayor Francis Zamora to Councilor Macky Mathay: “Sana bumalik muli ang sikat ng araw sa buhay mo.”

May nais kayang ipakahulugan si San Juan City Mayor Francis Zamora sa kanyang birthday message kay Councilor Macky Mathay?

Kahapon, October 11, 2022, nagkaroon ng munting salu-salo sa San Juan City Hall para ipagdiwang ang ika-43 kaarawan ni Macky.

Sa mga larawang ibinahagi sa Facebook, makikita ritong may selfie ang alkalde sa kanyang dating chief of staff at ngayon ay konsehal na ng kanilang siyudad na si Macky.

Pero sa caption ay tila may nais ipahiwatig si Mayor Zamora.

Wish daw niya para kay Macky na muling sumikat ang araw sa kanyang buhay.

Buong caption ng alkalde: “Happy birthday Councilor Macky Mathay [three cakes emojis]

“Ang wish ko para sayo ay ‘Sana bumalik muli ang sikat ng araw sa buhay mo’” [smiley, heart emojis]”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kung susuriing mabuti, tila ang tinutukoy ni Mayor Zamora na sumikat muli ay ang araw na nawala sa buhay ni Macky.

Maaaring may alam si Mayor Francis sa buhay pag-ibig ni Macky.

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na tila on he rocks ang halos higit anim na taon nang relasyon ni Macky at ng aktres na si Sunshine Cruz.

Nagsimula ang alingasngas tungkol sa breakup nila sa “realizations” post ni Sunshine noong September 22, 2022.

Bahagi ng kanyang post, “Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way.

“So much blessings are being given to me and my family afterall.

“Wala akong karapatang mag reklamo.

“Everything happens for a reason, live it, love it, learn from it.”

In-unfollow rin ng aktres sa Instagram si Macky.

Read: Have Sunshine Cruz and Macky Mathay called it quits?

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Higit pang nagkaroon ng intriga ang hiwalayan dahil sa cryptic post naman ni Sunshine nitong October 9.

Nagbahagi si Sunshine sa kanyang Instagram account ng quote ng isang anonymous author tungkol sa pakikipaghiwalay.

Sabi sa quote: “Some people are only meant to stay in your heart, not in your life.”

Sa caption, ibinahagi naman ng aktres ang kanyang saloobin tungkol sa breakup at pagmu-move on.

Sabi niya, “People come and go, it may be hard to understand why things happen unexpectedly.

“For some of us, letting go of someone you loved with all your heart can definitely give us so much pain and sadness but in life, there are some things we cannot control.

“What matters is the lesson we learned, the love that was shared and the wonderful memories that will always be in our hearts. Life goes on.”

Read: Sunshine Cruz posts new cryptic note fueling breakup rumors anew

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit usap-usapan na ang paghihiwalay nina Sunshine at Macky, nagpaabot pa rin ang pangalawang anak ni Sunshine na si Sam Cruz ng birthday message kay Macky noong araw mismo ng kanyang kaarawan, October 10.

Na ikinagalak naman ng San Juan City councilor.

Read: Sam Cruz greets Macky Mathay on his birthday amid breakup rumor with her mom Sunshine

Unang umamin si Macky sa relasyon nila ni Sunshine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 2016.

Read: PEP EXCLUSIVE. Macky Mathay confirms relationship with Sunshine Cruz: “Yes, yes, yes, yes.”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Sharon Cuneta “upset and worried” with three in her family contracting COVID-19
Next post Jennylyn Mercado and Dennis Trillo finally introduce baby girl Dylan on Instagram