Sam Cruz on second chance with dad Cesar Montano: “People can change.”

Nagsalita si Samantha “Sam” Cruz tungkol sa pagkakaroon ng “second chance” para mapalapit silang magkakapatid sa amang si Cesar Montano.

Si Sam, at mga kapatid na sina Angelina at Chesca ay mga anak ni Cesar sa dating asawang si Sunshine Cruz.

Pag-amin ni Sam, ngayong taon lang sila nagsimulang mapalapit muli sa kanilang ama.

Sa katunayan, pinuri pa ni Sam ang bagong partner ni Cesar na si Kath Angeles.

“We’ve all started to become very, very close,” kuwento ni Samantha sa interview ng Star Magic Inside News vlog noong August 24, 2022.

“Just this year din po, I got to meet my other siblings with dad’s new partner Tita Kath.

“She’s very nice and it’s just amazing how we’ve all gotten closer together.

“God has given us another chance to build another relationship with our dad…”

Nabanggit din ni Sam na dadalo sa kanyang debut si Cesar.

Read: Sam Cruz celebrates 18th birthday with dad Cesar Montano’s new family

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Sam, ito ang unang pagkakataon na muling magkikita ang kanilang inang si Sunshine at si Cesar pagkatapos ng mahabang panahon.

“It’s just great that everyone’s so civil and everyone just getting along.”

Natutunan daw ni Sam na hindi dapat ipagdamot ang pagbibigay ng pangalawang pagkakataon.

Sabi ng dalaga, “That second chances should always be given.

“People can change and you just need to bring the goodness out of them.

“And there’s really goodness in each and every one of us.”

MEETING OTHER SIBLINGS

Ikinatuwa rin ni Sam na makilala ang tatlong bata pang mga anak ni Cesar.

May dalawang anak ni Cesar kay Kath, sina Liam at Kristen.

May anak din ang aktor sa beauty queen na si Sandra Seifert, si Coco.

Anak din ni Cesar sa aktres na si Teresa Loyzaga ang ang aktor na si Diego Loyzaga.

Ang dalawa pang anak ni Cesar ay sina Angela at Angelo (RIP), mula sa unang asawa niyang si Marlyn Polinga na pumanaw na rin.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Sam, mas maganda ngayon ang pakikitungo nila sa ama kumpara dati.

Noon daw ay makikita lang nila ang ama isa o dalawang beses sa isang taon o sa tuwing may espesyal na okasyon lamang.

Madalang din daw silang mag-text sa isa’t isa noon.

“Pero just recently, we got so close and we would text maybe at least once a day and we would see each other a lot,” ani Samantha.

Sa katunayan pa nga raw ay may in-organize pang hiwalay na birthday celebration para sa kanya si Cesar.

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Roboshops really are the end of civilisation as everything we do increasingly has to be recorded on a supercomputer in a Nevada desert
Next post CJ Hopkins: We’ve Got About a Month Before New Normal Germany’s New Enabling Act Takes Effect