Sam Cruz greets Macky Mathay on his birthday amid breakup rumor with her mom Sunshine

Nagpaabot ng pagbati si Sam Cruz, pangalawang anak ni Sunshine Cruz, kay Macky Mathay sa ika-43 kaarawan nito kahapon, October 10, 2022.

Si Macky ang boyfriend ng kanyang inang si Sunshine sa halos anim na taon.

Naging malapit na kay Macky ang tatlong anak ni Sunshine sa dating asawang si Cesar Montano.

Ito ay sina Sam, ang panganay na si Angelina Cruz, at ang bunsong si Chesca Montano.

Sa Instagram, nag-post si Macky ng larawan niya sa mismong araw ng birthday niya kung saan may maraming cakes sa kanyang harapan.

Maliban dito, may larawan din siya sa simpleng selebrasyon ng kanyang kaarawan sa kanilang bahay kasama ang mga anak niya sa unang asawa.

Simpleng caption niya, “43.”

View this post on Instagram

A post shared by Ismael Macky Mathay IV (@mackymathay)

Isa sa mga unang bumati sa kanya sa comments ay si Sam.

Pagbati ni Sam, “happy birthday tito macky [heart emoji]”

Tumugon naman kaagad ang San Juan City councilor sa greeting ni Sam.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Macky, “@samcruzm thank you Sammy. [heart emoji] I miss you and I love you.”

Sam Cruz's birthday message to Macky Mathay

Walang pagbati si Sunshine kay Macky.

Dahil dito, patuloy pa ring umiingay ang haka-hakang tinuldukan na ng dalawa ang kanilang long-time relationship.

Nag-ugat ang agam-agam tungkol sa breakup sa kanyang “realizations” post noong September 22, 2022.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng kanyang post, “Challenges and trials will always be part of our lives and at the end of the day, we just have to focus on positive things coming our way.

“So much blessings are being given to me and my family afterall.

“Wala akong karapatang mag reklamo.

“Everything happens for a reason, live it, love it, learn from it.”

In-unfollow rin niya sa Instagram si Macky.

Read: Have Sunshine Cruz and Macky Mathay called it quits?

Mas lalo pang umingay ang intriga dahil sa cryptic post naman ni Sunshine nitong nakaraang October 9, 2022.

Isang quote ng isang anonymous author tungkol sa pakikipaghiwalay ang ibinahagi ni Sunshine sa kanyang Instagram account.

Sabi sa quote: “Some people are only meant to stay in your heart, not in your life.”

Sa caption, ibinahagi naman ng aktres ang kanyang saloobin tungkol sa breakup at pagmu-move on.

Saad nito, “People come and go, it may be hard to understand why things happen unexpectedly.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

“For some of us, letting go of someone you loved with all your heart can definitely give us so much pain and sadness but in life, there are some things we cannot control.

“What matters is the lesson we learned, the love that was shared and the wonderful memories that will always be in our hearts. Life goes on.”

Read: Sunshine Cruz posts new cryptic note fueling breakup rumors anew

Unang umamin si Macky sa relasyon nila ni Sunshine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 2016.

Read: PEP EXCLUSIVE. Macky Mathay confirms relationship with Sunshine Cruz: “Yes, yes, yes, yes.”

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Abu Dhabi Regulator Introduces Its Guiding Principles For Crypto
Next post Dutch newspaper says Netherlands Cabinet banned me in part to protect me from danger! What extraordinary nonsense. They banned me because they are terrified of me – and I’m not going anywhere so get used to it. You have put me and my work on a world stage like never before. Thank you