Ruru Madrid finally admits real score with Bianca Umali: “We’re dating for four years.”

Sa wakas ay inamin na ni Ruru Madrid ang tunay na estado ng relasyon nila ni Bianca Umali.

Nitong Linggo, August 21, 2022, nakapanayam ni Jessica Soho si Ruru sa Kapuso Mo Jessica Soho, kung saan kinumpirma ng aktor ang matagal nang usap-usapan tungkol sa kanila ni Bianca.

Diretsahang tinanong ni Jessica si Ruru kung ano nga ba ang relasyon nila ni Bianca.

Napatawa pa si Ruru kasunod ng madalas niyang sagot tuwing tinatanong tungkol dito: “Mahirap lagyan ng label.”

Naintriga ang beteranang broadcast journalist at tinanong kay Ruru na kung walang label ang relasyon nila, bakit umiyak ang Lolong star nang sorpresahin siya ni Bianca sa South Korea kamakailan.

Noong August 17, 2022, ipinost ni Bianca sa Instagram ang video nang puntahan niya ang lugar kung nasaan si Ruru kasama ang ilang staff ng Running Man PH.

Sa video, makikita na nagulat at naiyak si Ruru nang makita ang aktres.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Bianca Umali reveals Ruru Madrid cried when she surprised him in South Korea

Depensa ni Ruru, “Kasi po, hindi ko ine-expect na pupunta po talaga siya, dahil nung time na yun, last day ng taping namin sa Running Man.”

Limampung (50) araw nanatili sa South Korea si Ruru kasama ang buong cast ngRunning Man PH, ang upcoming Kapuso adaptation ng sikat na variety show ng SBS network sa South Korea.

Sa pangalawang pagkakataon, muling tinanong ni Jessica si Ruru kung ano nga ba ang kanilang real score.

Dito na umamin ang Kapuso actor.

Saad ni Ruru, “Dahil kayo po ang nagtanong, Ma’am Jess, this is the first time na sasagutin ko po ito.

“Ah… we’re dating po for four years.”

Ayon pa kay Ruru, masaya sila ni Bianca dahil kahit pa man magkaiba sila ng pinagkakaabalahan ngayon ay ramdam daw nila ang suporta ng bawat isa.

Noong August 2018 nang simulang mapansin ng fans nina Ruru at Bianca na malapit sila sa isa’t isa, at hinihinalang may relasyon na.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Pero sa tuwing tinatanong kung may namamagitan sa kanila ay wala silang direktang sagot.

Read: Ruru Madrid and Bianca Umali kilig moments: A timeline

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Germany Warns: There Will Be Draconian Energy Regulations
Next post Take Your Power Back – David Icke