Ruffa Gutierrez says “walang return of the comeback” with ex-husband Yilmaz Bektas

Nagkuwento si Ruffa Gutierrez tungkol sa kanyang dating asawa, si Yilmaz Bektas.

Marami raw pagbabago simula noong nagkaroon muli ng communication ang Turkish businessman at ang mga anak nila ni Ruffa na sina Lorin, 18, at Venice, 17.

Nito lamang Hunyo ay nagkaroon ng reunion ang mag-aama sa Turkiye matapos ang 15 years na hindi pagkikita.

Read: Ruffa Gutierrez’s kids, Yilmaz Bektas exchange emotional farewell; Yilmaz’s other daughter grateful to Pinoy fans

Sina Ruffa at Yilmaz ay ikinasal noong 2003, pero naghiwalay noong 2007. Ang sinasabing dahilan kung bakit nag-alsa balutan noon si Ruffa ay battered wife siya.

Tanong kay Ruffa sa YouTube vlog ni Dra. Vicki Belo nitong July 14, 2022, napatawad na ba nito ang kanyang ex-husband?

Tugon ng aktres, “A long time ago. I’ve forgiven him…”

Nawala na rin daw ang takot niya kay Yilmaz.

“If I was fearful, then I wouldn’t send them. I sent Lorin and Venice to Istanbul.

Continue reading below ↓

“I just felt really light about it. I prayed about it.”

ON RECONCILING WITH YILMAZ

Nabanggit ni Ruffa na bilang Muslim si Yilmaz, puwedeng magkaroon ito ng higit sa isang asawa.

Sinabi rin ni Ruffa na sa bansang Turkiye, kailangan munang kunin ang approval ng first wife.

Nausisa ang actress-host kung engaged na ba si Yilmaz ngayon.

Sagot ni Ruffa, “Well, he said that he’s engaged, but this is like the 10th engagement, so I don’t believe him.

“I don’t know kung pinapaselos lang niya ako or totoong kinasal na siya.”

Ngayong nagkaroon na ng reconnection si Yilmaz at mga anak nito, tinanong si Ruffa kung posible ba na magkaroon ng “comeback” ang ending nila ni Yilmaz.

Mabilis na sagot ni Ruffa: “Walang return of the comeback. Ano lang ito comeback reunion talaga ng mga anak ko at si Yilmaz.”

Naging matipid si Ruffa nang matanong sa kanyang love life. Pero sinabi niyang hindi siya nagmamadali na pumasok sa isang relasyon.

Continue reading below ↓

Inamin ni Ruffa na marami siyang sakripisyong ginawa sa relasyon nila ni Yilmaz, at hindi niya alam kung kaya pa niya itong gawin muli sa magiging karelasyon.

Napagtanto rin daw niya na dapat ay maging best friend ang makakarelasyon niya, kung sakali man, para tumagal ito.

Naging best friend ba ni Ruffa si Yilmaz?

Tugon niya, “Our relationship naman is different because, number one, I married him. Number two, we have kids together.

“Although I haven’t seen him 15 years, a lot of the things I did for Yilmaz, hindi ko alam kung magagawa ko pa iyon sa buhay ko. Unless he’s my forever love.”

Kabilang daw sa sakripisyo ni Ruffa ay ang pagtira sa ibang bansa at pagpapalit ng kanyang relihiyon.

Sinabi rin ni Ruffa na hindi siya nakatanggap ng suporta sa ex-husband sa loob ng matagal na panahon.

Pero naniniwala raw ni Ruffa na magbabago na ito ngayon.

Continue reading below ↓

Nangingiting sabi niya, “It’s payback time. I know that he will [give support] now, I think so…

“Kasi feeling ko hindi niya nakikita yung mga bata [dati], so he wants me to suffer.

“May ganoon siyang ugali, ‘Okay, ikaw ang lumayas, di, ikaw magdusa,’ parang ganoon ang feeling.”

#news-disclaimer {
font-size: 16px;
font-style: italic;
text-align: justify;
}

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Previous post
Next post Maggie Wilson appeals for help after estranged husband Victor Consunji allegedly kicked her out of her house