Roberta Tamondong announced 5th runner-up at Miss Grand International 2022

Ilang araw matapos ang grand coronation night ng Miss Grand International 2022, itinalaga ang pambato ng Pilipinas na si Roberta Angela “Ro-An” Tamondong bilang isa sa limang fifth runners-up ng nasabing pageant.

Nitong Linggo, October 30, 2022, ibinahagi ng Miss Grand International sa kanilang social media accounts ang official announcement ng pagiging fifth runner-up ni Ro-An ng Thailand-based pageant.

Lahad sa post: “Miss Grand International Organization would like to announce the appointment of Roberta Angela Tamondong, Miss Grand Philippines 2022 as the new 5th runner-up of Miss Grand International 2022.

“She will be a part of the Top10 and will continue her mission with the MGI team for a year. Congratulations and welcome to the #GRAND family. [heart emoji]”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Tila tatanggapin naman ni Ro-An ang posisyon dahil ni-repost na rin nito sa kanyang Instagram account ang annoucement ng Miss Grand International.

Ibinahagi ng Miss Grand International ang kanilang announcement dalawang araw matapos ang official announcement ng pagbibitiw ni Yuvna Rinishta ng Mauritius bilang isa sa 5th runners-up ng Miss Grand International 2022 noong Biyernes, October 28, 2022.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi raw umano pinirmahan ni Yuvna ang kanyang kontrata sa Miss Grand International at hindi na raw nito magagampanan ang kanyang mga responsibilidad bilang 5th runner-up.

Sabi sa post, “Miss Yuvna Rinishta (from Mauritius) made the decision to resign from her title due to she’s not able sign the contract and complete the duty as 5th runner up. She can no longer use the title with immediate effects. The new title holder to be announced soon.”

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw naman ng Miss Grand Mauritius sa kanilang Instagram account ang dahilan ng hindi pagtanggap ni Yuvna ng kontrata at sinabing ito ay “due to not being aligned with @missgrandinternational latest behaviour with our organisation and others.”

Sa ngayon, naka-deactivate na ang Instagram account ng Miss Grand Mauritius, ngunit makikita pa sa Instagram ni Yuvna ang post na ito.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Read more: Yuvna Rinishta of Miss Grand International 2022 resigns

10 WINNERS

Bilang bahagi ng 10th anniversary ng Miss Grand International pageant, sampu ang itananghal na winners sa grand coronation night na naganap noong October 25, 2022, sa Sentul International Convention Center, West Java, Indonesia.

Ang kandidata mula sa Brazil na si Isabella Menin ang kinoronahan bilang Miss Grand International 2022.

Ang 1st runner-up naman ay si Miss Thailand Engfa Waraha; 2nd runner-up si Miss Indonesia Andina Julie; 3rd runner-up si Miss Venezuela Luiseth Materán; at 4th runner-up naman si Miss Czech Republic Mariana Becková.

Kasama naman ni Ro-An na 5th runners-up sina Miss Grand Cambodia Pich Votey Saravody; Miss Grand Colombia Priscilla Londoño; Miss Grand Puerto Rico Oxana Rivera; at Miss Grand Spain Hirisley Jimenez.

Sa isang Instagram Live, ibinahagi ni Ro-An na ang lahat ng mapapabilang sa Top 10 ng Miss Grand International ay magiging bahagi ng “world tour” matapos ang pageant.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Naging bahagi naman ng Top 10 si Yuvna dahil ito ang nakapag-uwi ng award bilang Miss Popular Vote.

MISS GRAND CONTROVERSIES

Bukod sa pag-resign ni Miss Grand Mauritius, samu’t saring kontrobersiya rin ang kinaharap ng Miss Grand International pageant matapos ang coronation night nito.

Mahigit dalawang milyong followers ang nawala sa official Instagram account ng Miss Grand International. Ang malaking bulto ng nag-unfollow ay mga mga Vietnamese pageant fans.

Miss Grand International unfollowing

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Miss Grand International folowers

Libu-libong Vietnamese fans ang nag-unfollow nang hindi makapasok si Miss Grand Vietnam Doan Thien An sa Top 10 ng pageant kahit na ito ang nakapag-uwi ng “Country’s Power of the Year” award.

Mas lalong ikinagalit ng Vietnamese pageant fans ang naging komento ng founder at owner ng Miss Grand International na si Nawat Itsaragrisil nang sabihin nito sa isang video na hindi proportionate ang katawa ni Miss Grand Vietnam, dahilan kung bakit hindi ito nanalo.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Binatikos din ng pageant fans ang pang-mamaliit ng Miss Grand International (MGI) sa Miss Universe (MU) na itinuturing na pinakaprestihiyosong international beauty pageant.

READ MORE:

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post The Dangers of Victimhood And How It Becomes Genocide – Jordan Peterson. Everything he talks about is happening today with the fascist Woke mentality and the ‘Covid’ hoax
Next post Analysis Reveals K-12 Schools’ Virtual Reality Educational Devices Violate Privacy Laws