Regine Velasquez to Kim Chiu: “I have been a fan, bata ka pa lang.”

Naging vocal si Regine Velasquez, 52, sa pagsasabing “fan na fan” siya ni Kim Chiu, 32, kahit noon pa man.

Sa sobrang pagiging fan nga ni Regine, si Kim ang pinaglihian ng Asia’s Songbird nang ipinagbubuntis nito ang anak na si Nathan, 10.

“Nung buntis ako, pinaglihian ko kasi siya [Kim],” kuwento ni Regine sa Kapamilya daytime talk show na Magandang Buhay, September 23, 2022.

Sumingit si Kim para ipaalala na si Regine ang kumanta ng theme song ng 2011 Kapamilya primetime series ni Kim na My Binondo Girl.

Sabi ni Regine, na noon ay nasa bakuran pa ng GMA-7, isang dahilan kaya siya pumayag na kantahin ang theme song ay dahil tagahanga siya ni Kim.

“Kinanta ko talaga iyon kasi fan na fan ako,” sabi ni Regine.

“’Tapos yung gustung-gusto ko talaga siya. I just wanted to sing the theme song of her soap.”

Ikinasiya ni Regine na hindi siya nagkamali sa paghanga kay Kim.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng singer, “Alam mo yung pag nami-meet mo yung hinahangaan mo ‘tapos parang pagka tinitignan mo, yung parang hindi ako nagkamali kasi mabait.

“Di ba, parang matutuwa ka din. Parang, ‘Ay, di ako nagkamali, ang bait.’”

Kuwento ni Regine, nagpaka-feeling close nga siya kay Kim nang magkasama na sila sa ABS-CBN network.

“Nakakatuwa, nakaka-proud, ano ko yan, beshie kami niyan kahit hindi naman talaga,” sabi ni Regine.

“Pero pakiramdam mo beshie kayo, yung ganon.”

Hinarap ni Regine si Kim at sinabi: “Natutuwa ako. I just want you to know that I have been a fan, bata ka pa lang.”

Hindi naman naiwasan ni Kim na kiligin sa pahayag ni Regine.

Sabi ni Regine, “Kaya minsan hindi ko siya kinakausap kasi nga medyo nasa-starstruck ako, kaya nakatunganga lang ako.”

“’Tapos yung asawa ko [Ogie Alcasid], tuwang-tuwa sa kanya kasi ang bait-bait daw talaga.”

Sina Kim at Ogie ay magkasama bilang co-hosts sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime.

ADVERTISEMENT – CONTINUE READING BELOW ↓

Nagkakasama naman sina Regine at Kim sa ABS-CBN variety show na ASAP Natin ‘To.

Panghuling mensahe ni Regine kay Kim: “But you do inspire a lot of people, like ako.

“Kahit mas matanda ako sa iyo, nai-inspire mo din ako.”

Sa Magandang Buhay, pinag-usapan ang pagiging breadwinner ni Kim sa kanyang pamilya.

News Philippines today at https://philtoday.info/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Previous post Pfizer stand accused of experimenting on orphan babies to test their ‘Covid-19’ fake vaccine
Next post How the Arms Industry Scams the Taxpayer — Contractors Cash in as Congress Adds Billions to the Pentagon Budget